Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, pinasalamatan ni Bishop Mesiona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,325 total reads

Nagpapasalamat si Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan sa pag-apruba sa ordinansang nagtatakda ng 50-taong mining moratorium sa lalawigan.

Ayon kay Bishop Mesiona, sapat na ang umiiral na operasyon ng pagmimina sa lalawigan, at hindi dapat ituring na hindi nauubos ang mga yamang mineral sa lugar.

Nagbabala ang obispo sa publiko laban sa negatibong epekto ng labis na pagmimina, na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa kapaligiran at pagkaubos ng likas na yaman ng Palawan.

“What legacy will we leave for future generations of Palawenos if we deplete everything now? Additionally, we have witnessed the environmental damage caused by mining, and expanding mining operations would undoubtedly exacerbate the situation,” ayon kay Bishop Mesiona.

Ipinaliwanag din ni Bishop Mesiona na ang nasabing moratoryo o pansamantalang pagtigil sa pagmimina ay nagbibigay ng pag-asa at ipinagmamalaking hakbang upang mapanatili ang Palawan bilang isa sa nalalabing lugar sa Pilipinas na may napakayamang biodiversity, malawak na kagubatan, at may mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng balanse sa kalikasan.

“This moratorium instills a sense of pride and hope that our province, often referred to as ‘the last ecological frontier,’ can maintain its status for the current and future generations,” ayon kay Bishop Mesiona.

Samantala, ikinagalak din ni Save Palawan Movement advocate at Apostolic Vicariate of Taytay priest, Fr. Roderick Caabay, ang pagkakapasa sa ordinansa.

Gayunman, inamin ng pari ang pagkadismaya sa tagal ng proseso bago ito tuluyang maaprubahan.

Sinabi ni Fr. Caabay na noong matapos ang Mining Summit sa lalawigan, kanyang nakita ang matinding pagsuporta ng mga kinauukalan para sa kalikasan, kaya inakala ng pari na agarang maisusulong ang ordinansa, ngunit umabot pa ng apat na buwan bago tuluyang maipasa.

Ipinahayag din ng pari na ang sama-samang paninindigan ng mga Palaweño ang naging daan upang maisakatuparan ang matagal nang inaasam na mapahinto ang mapaminsalang pagmimina sa lalawigan.

“It took a lot of time—four months. Kung hindi pa tayo nag-pressure tingin ko hindi mangyayari na maipasa ngayon ang moratorium. So that speaks a lot of the hearts of those people sa Sangguniang Panlalawigan. Pasalamat na lang sa pressure natin, baka lang lumalim ‘yung pang-unawa, ‘yung commitment nila para sa kalikasan at sa Palaweño,” pahayag ni Caabay.

Magugunita noong Nobyembre 2024 nang manawagan ang dalawang Apostoliko Bikaryato sa Palawan, sa pangunguna nina Bishop Mesiona, Taytay Bishop Broderick Pabillo, at Taytay Bishop-emeritus Edgardo Juanich, para sa pagpapatupad ng moratoryo sa pagmimina sa lalawigan.

Sa bisa ng moratorium, pinatitigil nito ang 67 mining exploration applications na sumasakop sa mahigit 200,000 ektaryang lupain sa Palawan, gayundin ang 11 mining agreements na saklaw ang mahigit 29,000 ektarya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 82,946 total reads

 82,946 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 184,673 total reads

 184,673 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 221,461 total reads

 221,461 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 252,036 total reads

 252,036 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 297,005 total reads

 297,005 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,363 total reads

 58,363 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top