Sanlakbay Recovery and Restoration Center, Pinasinayahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 231 total views

Naniniwala ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na malaki ang maitutulong ng bawat sektor sa Bansa para tugunan ang suliranin sa ilegal na droga.

Ito ayon kay NCRPO Chief Deputy Director Guillermo Eleazar na dumalo sa pagpapasinaya ng ‘Sanlakbay Recovery and Restoration Center’ sa Sta. Cruz Manila.

Ayon kay Eleazar, bagama’t malawakan na ang problema ng bansa sa ilegal na droga ay mahalaga ang pagtutulungan para sa Prevention at Rehabilitation ng mga nalulong sa masamang bisyo.

Naniniwala si Eleazar na sa pagtutulungan ng bawat Sector, Pulis, Simbahan at Barangay ay makakamit ang tunay na pagbabago para sa mga naligaw ng landas.

“Kaya nga ang binibigyan ng focus yung Rehabilitation binibigyan ng pagkakataon yung mga taong naging biktima ng illegal na droga, na magkaroon pagkakataon na sila ay magbago at mare-integrate sa ating Komunidad. Kaya itong ginagawa ng simbahan in Cooperation ng concern Citizen and Sectors, ating kapulisan na bigyan ng pagkakataon yung mga tumalima na magbagong buhay,” ayon kay Eleazar.

Inihayag ni Eleazar na may proseso ang PNP na matanggal sa drug list ang mga Drug Surrenderers na sumailalim sa rehabilitasyon at napatunayang hindi na bumalik sa masamang bisyo.

“Ang Drug list is just a list reference or guide it has no evidentiary value. Meron tayong proseso na once nalaman natin na talagang hindi na sila bumalik sa dating gawi at may appropriate intervention na isinagawa kagaya ng Rehabilitation they will be Delisted from that list nay un naman ay para lang sa internal na reference lamang at wala yung Evidentiary Value,” ayon kay Eleazar sa panayam ng Radio Veritas.

Ang Recovery and Restoration Center ay ang kauna-unahan ng Sanlakbay na magbibigay ng 18 month program sa mga nagtapos ng 6 month drug rehabilitation para sa kanilang tuloy-tuloy na paggaling mula sa pagiging gumon sa droga.

Kabilang sa serbisyo nito ang pagbibigay ng Counseling, higit pang paghuhubog at mga pagsasanay na makakatulong para sa kanilang kabuhayan.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng misa, kasama sina Fr. Bobby Dela Cruz ng Restorative Justice ng Caritas Manila at Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 40,714 total views

 40,714 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 40,714 total views

 40,714 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 40,714 total views

 40,714 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 39,398 total views

 39,398 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 35,926 total views

 35,926 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top