Cardinal Tagle, Pinangunahan ang pagpapasinaya sa kaunang-unang Sanlakbay Recovery and Restoration Center

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 529 total reads

Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagpapasinaya sa kauna-unahang ‘Sanlakbay Recovery and Restoration Center’ sa Sta. Cruz Manila.

Ito ay sa pamamagitan ng Misa na dinaluhan ng mga nagtulong-tulong para sa pagpapatayo ng pasilidad na magiging daan sa tuloy-tuloy na paggaling ng mga Drug Addict na sumailalim sa 6 month program ng Sanlakbay Community Based Drug Rehabilitation.

Sa Homiliya ni Cardinal Tagle, binigyan diin nito na ang pag-ibig ang mahalagang sangkap tungo sa paghihilom.

“Maganda na nagsimula ang Sanlakbay sa Caritas. Pag-ibig talagang makakatulong ang iba’t ibang Approaches at Gamot pero kung walang pag-ibig hindi magkakaroon ng unang hakbang sa paghihilom,” ayon kay Cardinal Tagle.

Simula noong 2016 may 208 ng drug surrenderers ang nagtapos sa Sanlakbay.

Kabilang sa dumalo sa misa sina NCRPO deputy director Guillermo Eleazar, mga pulis; mga opisyal ng barangay sa Maynila; Fr. Bobby Dela Cruz ng Restorative Justice Ministry ng Caritas Manila; Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila.

“Makipaglakbay sa mga kapatid natin na dumaraan sa ibat ibang uri ng kundisyon sa buhay na minsan ay pakiramdam ay nag-iisa sila sa buhay. Pero malaking bagay na na malaman ang lakbay ninyo at lakbay naming naglalakbay tayo.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Sa kasalukuyan ang Archdiocese of Manila ay may 16 na Parokya na may programa para sa mga drug surrenderer.

Patuloy naman na hinihikayat ni Cardinal Tagle ang higit sa 80 parokya sa ilalim ng Arkidiyosesis na maging bahagi para sa programa at maging daan para sa pagbabago ng mga nagugumon sa masamang bisyo.

Una na ring inilunsad ng iba’t ibang simbahan sa Pilipinas ang pagkakaroon ng Community Based Rehabilitation bilang tugon sa malawakang problema ng bansa hinggil sa droga.

Bukod sa Sanlakbay ng Archdiocese of Manila ilan din sa may programa ng community based drug rehabilitation ang Salubong ng Diocese ng Caloocan; HOPE Center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; ang Labang ng Archdiocese of Cebu at 27 taon ng Galilee Homes ng Diocese ng Malolos na nagbibigay ng programa para sa lulong sa masamang bisyo.

Matatandaang higit sa 20,000 na ang napapatay na may kaugnayan sa illegal drugs na base sa Philippine National Police (PNP) ay pawang nasa Death Under Investigation.

Naninindigan ang Simbahan na sang-ayon sila sa paglaban kontra droga subalit hindi sa paraan ng pagpaslang kundi sa pagpapanibago sa mga Drug Addicts at Drug Pushers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 89,644 total reads

 89,644 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 123,143 total reads

 123,143 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 158,442 total reads

 158,442 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 384,712 total reads

 384,712 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 273,438 total reads

 273,438 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,307 total reads

 13,307 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top