Sanlakbay Recovery and Restoration Center, Pinasinayahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 313 total views

Naniniwala ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na malaki ang maitutulong ng bawat sektor sa Bansa para tugunan ang suliranin sa ilegal na droga.

Ito ayon kay NCRPO Chief Deputy Director Guillermo Eleazar na dumalo sa pagpapasinaya ng ‘Sanlakbay Recovery and Restoration Center’ sa Sta. Cruz Manila.

Ayon kay Eleazar, bagama’t malawakan na ang problema ng bansa sa ilegal na droga ay mahalaga ang pagtutulungan para sa Prevention at Rehabilitation ng mga nalulong sa masamang bisyo.

Naniniwala si Eleazar na sa pagtutulungan ng bawat Sector, Pulis, Simbahan at Barangay ay makakamit ang tunay na pagbabago para sa mga naligaw ng landas.

“Kaya nga ang binibigyan ng focus yung Rehabilitation binibigyan ng pagkakataon yung mga taong naging biktima ng illegal na droga, na magkaroon pagkakataon na sila ay magbago at mare-integrate sa ating Komunidad. Kaya itong ginagawa ng simbahan in Cooperation ng concern Citizen and Sectors, ating kapulisan na bigyan ng pagkakataon yung mga tumalima na magbagong buhay,” ayon kay Eleazar.

Inihayag ni Eleazar na may proseso ang PNP na matanggal sa drug list ang mga Drug Surrenderers na sumailalim sa rehabilitasyon at napatunayang hindi na bumalik sa masamang bisyo.

“Ang Drug list is just a list reference or guide it has no evidentiary value. Meron tayong proseso na once nalaman natin na talagang hindi na sila bumalik sa dating gawi at may appropriate intervention na isinagawa kagaya ng Rehabilitation they will be Delisted from that list nay un naman ay para lang sa internal na reference lamang at wala yung Evidentiary Value,” ayon kay Eleazar sa panayam ng Radio Veritas.

Ang Recovery and Restoration Center ay ang kauna-unahan ng Sanlakbay na magbibigay ng 18 month program sa mga nagtapos ng 6 month drug rehabilitation para sa kanilang tuloy-tuloy na paggaling mula sa pagiging gumon sa droga.

Kabilang sa serbisyo nito ang pagbibigay ng Counseling, higit pang paghuhubog at mga pagsasanay na makakatulong para sa kanilang kabuhayan.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng misa, kasama sina Fr. Bobby Dela Cruz ng Restorative Justice ng Caritas Manila at Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 53,004 total views

 53,004 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 127,618 total views

 127,618 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 207,697 total views

 207,697 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 250,836 total views

 250,836 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 248,767 total views

 248,767 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top