Santo Papa, nagpahayag ng pakikiisa sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,101 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV sa mamamayang Pilipino matapos ang malakas na lindol na yumanig sa lalawigan ng Cebu at mga karatig-probinsiya noong gabi ng Setyembre 30, 2025.

Sa mensahe ng Santo Papa sa kanya X account ay ipinahayag ni Pope Leo XIV ang kanyang panalangin para sa mga matinding naapektuhan ng lindol.

Ang pahayag ng Santo Papa ay patuloy na inaasahang makapagdadala ng pag-asa at pagpapalakas ng loob sa mga biktima ng 6.9-magnitude na lindol sa gitna ng patuloy na pagsisikap ng mga mamamayan na muling makabangon matapos ang naganap na sakuna.

“On the evening of Tuesday, 30 September, a strong earthquake struck the central region of the Philippines, particularly the province of Cebu and its neighboring provinces. I express my closeness to the dear Filipino people, and in particular I pray for those who are most severely affected by the consequences of the earthquake.” Bahagi ng mensahe ni Pope Leo XIV.

Binigyang diin din ng Santo Papa na sa harap ng anumang panganib ay dapat na manatiling nagkakaisa at nagtutulungan ang bawat isa, kasabay ng patuloy na pagtitiwala sa Diyos at sa pamamagitan ng Mahal na Inang Maria.

Bahagi rin ng panalangin ni Pope Leo XIV na gitna ng pagbangon ay patuloy na maghari sa puso ng mga Pilipino hindi lamang ng pagkakaisa kundi maging ng kabutihan at matinding pananampalataya sa Diyos.

“Faced with any danger, let us remain united and supportive in our trust in God and in the intercession of our Blessed Mother.” Dagdag pa ni Pope Leo XIV.

Nauna ng ibinahagi ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang agad na pagpapaabot ni Pope Leo XIV ng pakikiramay at panalangin para sa mga biktima ng 6.9-magnitude na lindol sa lalawigan ng Cebu sa pamamagitan ng personal na pagtawag ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown na iparating ang taos-pusong pakikiramay ng Santo Papa sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at sa lahat ng patuloy na humaharap sa hirap na dulot ng naganap na sakuna.
Matatandaang naging malapit sa puso ni Pope Leo XIV ang Pilipinas lalo na ang Cebu matapos na makailang beses na makabisita sa lalawigan noong 2004 at 2010 bilang noo’y Prior General ng Order of Saint Augustine, sa Augustinian Province of Santo Niño de Cebu.
Samantala patuloy din ang panawagan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas, sa pangunguna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa sabayang panalangin at pagtulong sa mga apektadong mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,856 total reads

 44,856 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,738 total reads

 124,738 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,185 total reads

 158,185 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,483 total reads

 193,483 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,292 total reads

 418,292 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top