Scholarship para sa low performing students, pinalawak ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 1,064 total views

Karagdagang 500 mag-aaral ang bibigyang pagkakataon ng Caritas Philippines-ang social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines bilang scholars ng Alay para sa Karunungan Scholarship Program Assistance sa susunod na taon.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national chairman ng Caritas Philippines/CBCP NASSA, ang programa ay unang inulunsad noong nakalipas na taon kung saan 500 Grade 7 ang nagkaroon ng pagkakataon na mapalago ang kaalaman.

Ipinaliwanag ng obispo na hindi tulad ng karaniwang scholarship para sa mga matatalinong mag-aaral, ang programa ay para sa low academic performers na may 75 grade o mas mababa pa at mula sa mahihirap na pamilya.

“Dahil in our study, nadiscover natin na isa siya sa mga factor kung bakit low performer ang ating mga kabataan sa eskuwela ay dahil kulang ang pagkain, so ‘yun ang ating component, meron tayong tutor na pino-provide tsaka meron tayong pagkain na component, feeding component na pino-provide sa ating napiling 500 na mga scholars from all over the Philippines ito,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Ang mga mapipiling scholars mula sa iba’t ibang diyosesis ay tutukan ng mga tutor; P1,000 kada buwang allowance at P300 piso kada araw para sa kanilang pagkain.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na karaniwan sa mga low performing students ay dahil na rin sa kahirapan na kulang sa nutrisyon at wala ding kakayahan sa makabagong teknolohiya tulad ng cellphones at internet.

Inilunsad naman ng Caritas Philippines sa tatlong parokya ng Diocese of Novaliches-bilang pilot project ng simbahan na Alay para sa Karunungan Scholarship Program Assistance.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang community school na nakatuon naman sa TESDA program sa pakikipagtulungan ng Magna Anima Teachers College ni Fr. Tito Caluag.

Dagdag pa ng obispo, “We are starting it now and hopefully ‘pag maging successful tayo dito magandang evaluation natin dito we would like to spread this out in some dioceses also dito sa Pilipinas. So maganda ito focus on vocational training, focus on parang TESDA training in order to provide them immediate employment lalong-lalo na sa mga factories o ‘di kaya sa mga industries natin dito.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 401 total views

 401 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,221 total views

 15,221 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,741 total views

 32,741 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,314 total views

 86,314 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,551 total views

 103,551 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,513 total views

 22,513 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

A Call to Conscience and Duty

 12,024 total views

 12,024 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga senador ng Republika ng Pilipinas na igalang at isakatuparan ang kanilang tungkuling

Read More »
Scroll to Top