KASIMBAYANAN program sa pagitan ng PNP at Simbahan, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,704 total reads

Inilunsad ng Philippine National Police ang Revitalized KASIMBAYANAN Program na layong palakasin ang pagtutulungan sa pagitan ng PNP at simbahan upang lubos na mapaglingkuran at magampanan ang tungkuling pangalagaan ang mamamayan.

Ang KASIMBAYANAN ay mula sa mga salitang Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan kung saan binibigyang kahalagahan ang magkakatuwang na gampanin tungo sa pagkakaisa at pagtutulungan upang matagumpay na maisakatuparan ang pagpapatupad ng mga batas at programa para sa kabutihan at kapakanan ng nakakarami.

Ikinagalak ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs ang pagkilala ng PNP sa simbahan bilang katuwang sa pagtataguyod ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.

Ayon kay Fr. Secillano, nawa’y ang presensya ng simbahan sa mga layunin ng programang KASIMBAYANAN ay tunay na maging makabuluhan tungo sa kabutihan ng nakararami.

“The Church continues to engage with different sectors because the church believes a lot of solving the problems in our country actually means our cooperation and our unity,” pahayag ni Fr. Secillano.

Nangangako naman ang simbahan na magiging epektibong instrumento at katuwang ng mga kapulisan sa pagtugon upang mabawasan at mapigilan ang mga nangyayaring krimen sa lipunan at sa halip ay mangibabaw ang katarungan at kapayapaan.

“Dito po sa partnership na ‘to, nais po naming ibahagi sa inyo ang aming pakikipagtulungan, suporta at anuman po ang magagawa pa naming iba para mas mapaunlad po natin ang bayan, para ang mga tao ay maprotektahan, para ang common good ay ma-uphold po natin, gagawin po ng simbahan,” ayon sa pari.

Bukod sa CBCP, kinatawan din si Fr. Secillano ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula para sa ginanap na pagpapasinaya ng programa ng PNP.

Samantala, nagsilbi namang Guest of Honor at tagapagsalita si Department of the Interior and Local Government-National Capital Region Director Maria Lourdes Agustin.

Kabilang din sa mga nagpaabot ng mensahe at suporta sa programa sina Rev. Nolasco S. Apolonio, President, National Capital Region Police Office Advocacy Group for Peace and Force Multipliers; Rev. Augustus Caesar T. Maribojoc, National Coordinator, Philippine Council of Evangelical Churches-Promise Keepers Philippines; Hon. Yusoph J. Mando, Commissioner, National Commission of Muslim Filipino; at si Ms. Imelda A. Papin, President, Actors Guild of the Philippines.

Isinagawa rin sa programa ang paglagda sa Memorandum of Understanding sa panguguna ni Police Brigadier General Jonnel Estomo, Acting Regional Director, kasama ang mga pinuno at kinatawan ng Faith-based Advocacy Support Groups, Peace Advocates at Local Government Units.

Ginanap ang pagpapasinaya sa KASIMBAYANAN Program sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City nitong October 3, 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 32,800 total reads

 32,800 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 72,908 total reads

 72,908 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 179,786 total reads

 179,786 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 224,451 total reads

 224,451 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 244,891 total reads

 244,891 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 107,835 total reads

 107,835 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top