Seminario de Jesus Nazareno, humiling ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,576 total reads

Umapela ng tulong ang pamunuan ng Seminario De Jesus Nazareno sa Diyosesis ng Borongan sa muling pagtatayo at pagsasaayos ng seminary chapel at social hall ng minor seminary na nasunog noong Linggo, ika-28 ng Hulyo, 2024.

Ayon kay Seminary Rector-Principal Rev. Fr. Juderick Paul Calumpiano, ganap na ala-una ng hapon nagsimula ang sunog sa seminary chapel na umabot sa Bp. Reyes Hall, Office of the Rector-Principal, Senior High School classrooms, computer laboratory at dalawang stock room ng seminaryo.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) na nasa ligtas na kalagayan ang mga kabataang seminarista kung saan hindi naapektuhan at malayo sa naganap na sunog ang mga dormitoryo at iba pang opisina ng seminaryo.

Para sa mga nais na tumulong sa muling pagtatayo ng nasunog na bahagi ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) ay makipag-ugnayan lamang kina Seminary Rector-Principal Rev. Fr. Juderick Paul L. Calumpiano sa numero bilang 0916-485-8504 o kaya naman ay kay Seminary Oeconomus Rev. Fr. Miel Sedfrey Nebrida sa numero bilang 0917-551-5600.

Dahil sa naganap na sunog sa Seminary Chapel at Social Hall ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) ay ipinagpaliban ang pagsisimula ng klase kung saan itinakda ang simula ng Academic Formation sa Minor Seminary sa ika-12 ng Agosto, 2024.

Sa kasalukuyan may aabot sa 108 ang bilang ng mga Junior High School seminarians ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) na matatagpuan sa Barangay Campesao sa Borongan, Samar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,301 total reads

 43,301 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,339 total reads

 93,339 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,210 total reads

 141,210 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,159 total reads

 245,159 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,056 total reads

 329,056 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top