Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Signature campaign laban sa “seabed quarrying” sa Cavite, ilulunsad ng Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

 653 total views

Patuloy na babantayan ng Diyosesis ng Imus ang operasyon ng seabed quarrying sa baybaying sakop ng limang bayan sa lalawigan ng Cavite.

Sa liham-pastoral hinggil sa Panahon ng Paglikha, sinabi ni Bishop Reynaldo Evangelista na kailangang bantayan ng publiko ang operasyon ng San Nicolas Shoal Seabed Quarrying Project ng VIL Mines, Inc. sa baybayin ng Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, at Ternate.

Ito’y dahil sa panganib at pinsalang maidudulot ng labis na paghigop at pagkuha ng buhangin na makakaapekto sa likas na kalagayan ng kalikasan lalo na sa karagatan, at kabuhayan ng mga nasa baybaying komunidad.

“Kamakailan lamang, ang Ministy sa Kalikasan ng Diyosesis ng Imus ay nakatanggap ng mensahe mula sa Arsidiyosesis ng Maynila na magkakaroon ng ocular inspection sa San Nicolas Shoal at public hearing tungkol sa Expanded Seabed Quarrying sa lugar na ito,” bahagi ng liham-pastoral ni Bishop Evangelista.

Nagkakahalaga ng P500-milyong ang planong pagpapalawig sa proyekto at may lawak na higit sa walong libong ektarya.

Ang San Nicolas Shoal ay isang sand bar o sand barrier na nagsisilbing proteksyon ng mga komunidad malapit sa dalampasigan laban sa malalakas na alon at pagbaha.

Iginiit ni Bishop Evangelista na kapag nagpatuloy ang seabed quarrying, tuluyan rin nitong sisirain ang tahanan ng iba’t ibang lamang dagat tulad ng isda na magdudulot naman sa kawalan ng hanapbuhay ng mga mangingisda.

Dalangin naman ng Obispo na nawa’y mabigyang-pansin ng mga kinauukulan ang panawagan laban sa mapaminsalang proyekto, at sa pamamagitan nito’y matutunan ang ecological conversion upang maipakita ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha.

“Ngayong Season of Creation o Panahon ng Paglikha 2022, muli nating panibaguhin ang paanyaya ni Papa Francisoco sa pagbabagong-loob na makakalikasan (ecological conversion); manalanging kasama ang Sangnilikha at para sa Sangnilikha; mamuhay ng payak. at pangalagaan ang ating kalikasan,” ayon sa Obispo.

Una nang nagpahayag ng pagtutol si Bishop Evangelista hinggil sa seabed quarrying sa kanyang pagninilay para sa pagbubukas ng Season of Creation sa Diyosesis ng Imus.

Sinabi rin dito ng Obispo ang paglulunsad ng signature campaign bilang panawagang pigilan ang mapaminsalang proyekto sa lalawigan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 9,104 total views

 9,104 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 22,540 total views

 22,540 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 39,337 total views

 39,337 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 50,559 total views

 50,559 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Sikatunarra project, pinuri ni Bishop Uy

 217 total views

 217 total views Kinilala ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang makakalikasang proyekto ng bayan ng Sikatuna, Bohol bilang makabuluhang hakbang tungo sa pagkalinga sa kalikasan at

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Alay Kapwa theme song, isasapubliko

 445 total views

 445 total views Ilulunsad ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isang pagtitipon bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top