Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 860 total views

Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino. 

Mistulang binura sa mapa ang mga komunidad, lalo na ang mga nasa paligid ng mga daluyan ng tubig. Bubong na lamang ng mga bahay ang nakalitaw sa mga binahang lugar. Patung-patong ang mga sasakyan matapos tangayin ng rumaragasang tubig-baha. Nabalot sa makapal na putik ang mga kalsada. Ang probinsya ng Cebu nga ang nakapagtalâ ng pinakamaraming casualties; hindi bababa sa 135 ang namatay doon. Marami ang mga nasaktan at ang mga hindi pa rin matagpuan.

Ayon sa PAG-ASA, ang dami ng ulan na bumuhos sa Cebu sa isang araw ay katumbas ng tubig-ulan sa probinsya sa loob ng isa’t kalahating buwan. Ganoon po karami! Itinuturing ngang “extreme rainfall event” ang nangyari sa Cebu na tipikal na nauulit kada 20 taon. Dahil sa climate change, asahan na nating mas magiging madalas ang mga ganitong maladelubyong pag-ulan. Hindi nakatutulong na hindi handa ang ating mga imprastraktura para bawasan ang posibilidad ng pagbaha. At bakit hindi handa ang mga ito? Nauna na kasing umagos ang pera sa bulsa ng mga kurakot sa halip na ipampatayo ng matitibay at gumaganang flood control projects.

Pero hindi lamang flood control projects gaya ng mga dam at dike ang solusyon sa malawakang pagbaha. Maliban sa magastos ang mga ito, madaling samantalahin ng mga tiwali ang mga ganitong proyekto. Kitang-kita ito sa mga ginawa ng ilang taga-DPWH at ng kanilang mga kasabwat na pulitiko.

Para kay UP Resilience Institute at NOAH Center executive director Mahar Lagmay, malaki ang maitutulong ng pagpapanumbalik ng mga kagubatan. Sa probinsya nga ng Cebu, mahigit 10,000 na ektarya ng kagubatan ang nawala sa huling dalawampung taon. Bakit? Dahil sa malawakang deforestation o pagpuputol ng mga puno. Kinakalbo ang mga gubat para sa quarrying o pagmimina ng bato at graba at para sa pagtatayo ng mga kabahayan o urban expansion. Humigit-kumulang 19,000 na ektarya ng kalupaan ng Cebu—na dati ay balót ng mga puno—ay quarrying sites na ngayon. 

Kung walang mga punong sisipsip ng tubig-ulan, magiging mas grabe ang pagbaha. Kung walang mga punong kumakapit sa lupa, mas madaling guguho ang lupa. Kung kalbo na ang mga kagubatan, mabilis na babagsak ang tubig-ulan sa mga ilog at komunidad. Kaya naman, pinaiimbestigahan na ng Palasyo sa Department of Environment and Natural Resources (o DENR) kung ang malawakang pagkasira ng kagubatan ang sanhi ng matinding pagbaha sa Cebu. 

Pero hindi kaya dapat DENR din ang imbestigahan dahil nakalusot dito—o pinalusot nito—ang mga proyektong nakapamiminsala sa kagubatan? Ang sinumang magpapatayo ng gusali o magsisimula ng isang proyekto o negosyo ay kailangang kumuha muna ng Environmental Compliance Certificate (o ECC) sa DENR. Ito kasi ang magiging batayan kung paano iiwasang masira ang kalikasan pati na rin ang mga negatibong epekto sa mga nakapaligid. Binigyan ba ng ECC ang mga gawaing kinailangang magputol ng mga puno? Binantayan ba ng DENR ang mga proyektong ito? Tiniyak din ba ng kagawaran na mananatiling malusog ang mga kagubatan? Silipin din dapat ang DENR.

Mga Kapanalig, malaking kasalanan sa Diyos ang pagsira sa kalikasan, kabilang ang pagpuputol ng mga puno at pagkalbo sa kagubatan. Hindi lamang ang kalikasan ang napipinsala; nakokompromiso rin ang buhay at dignidad ng tao. Kitang-kita natin ito sa iniwang pinsala ng Bagyong Tino sa Cebu—at ng iba pang dumaang bagyo sa ating bansa. Tungkulin ng DENR na nasa maayos na kalagayan ang ating mga kagubatan. Kung gagamitin nga natin ang mga salita sa Roma 13:4, ang mga nasa gobyerno ay “mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti [natin].”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silipin din ang DENR

 861 total views

 861 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 47,390 total views

 47,390 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 84,871 total views

 84,871 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 116,855 total views

 116,855 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 161,567 total views

 161,567 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 11,548 total views

 11,548 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 21,901 total views

 21,901 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Prayer Power

 47,391 total views

 47,391 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 84,872 total views

 84,872 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 116,856 total views

 116,856 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 161,568 total views

 161,568 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 183,755 total views

 183,755 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 190,124 total views

 190,124 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 136,920 total views

 136,920 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 147,344 total views

 147,344 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 157,983 total views

 157,983 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 94,435 total views

 94,435 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »
Scroll to Top