Simbahan, bukas sa lahat ng mga nangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,495 total views

Tiniyak ng misyonerong Piarist na bukas ang simbahan para sa bawat nangangailangan lalo na sa panahon ng mga sakuna.

Ito ang pahayag ni Fr. Wilmer Samillano, Sch.P, kura paroko ng Holy Family Parish sa Gulod Novaliches, Quezon City makaraang bahain ang malaking bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa epekto ng Habagat na unang pinaigting ng Bagyong Crising.

Binigyang diin ng pari na hindi pinag-uusapan ang pananampalataya, kultura at pagkakaiba ng tao sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

“Sa mga nasalanta laging tandaan na ang simbahan ay laging bukas, walang pinipiling relihiyon, walang pinipiling lahi, ito ay para sa lahat. Hindi pinag-uusapan ang pagkakaiba lalo na sa panahon ng kalamidad,” pahayag ni Fr. Samillano sa Radyo Veritas.

Nitong July 21 nang lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan bunsod ng Habagat kung saan maraming mamamayan ang lubhang naapektuhan.

Binuksan ni Fr. Samillano ang parokya at kinanlong ang mahigit 600 indibidwal lalo na ang mga naninirahan sa paligid ng Tullahan River.
Kasabay ng pagkupkop sa mga lumikas na residente ang pagpapakain gayundin ang pamamahagi ng mga gamot, hygiene kits, mga damit, at malinis na inuming tubig.

Apela ni Fr. Samillano sa mamamayan na maging handa sa anumang panahon lalo na sa mga lugar na kadalasang binabaha.

“Patuloy tayong mag-iingat, laging maghanda, magkaroon lagi ng mga gamit na kapag tumaas ang tubig nakalagay na sa isang bag na pwedeng bitbitin at dalhin agad lalo na ang mga mahahalagang gamit,” ani Fr. Samillano.

Mensahe ng pari sa publiko na makipag-ugnayan sa kanilang parokya para sa mga nais magpaabot ng tulong tulad ng bigas, canned goods, gamot at iba pang kinakailangang tulong sa mga nagsilikas na residente.

Nakahanda na rin ang mga social arm ng iba’t ibang diyosesis sa bansa lalo na ang Caritas Manila para makapaghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 19,117 total views

 19,117 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 42,269 total views

 42,269 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 112,383 total views

 112,383 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 186,996 total views

 186,996 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 265,733 total views

 265,733 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top