Mga simbahan sa Diocese of Malolos, bukas na patuluyin ang mga apektado ng baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,023 total reads

Inihayag ng Diyosesis ng Malolos ang kahandaan ng mga Simbahan sa Bulacan na patuluyin ang mga pamilyang apektado ng nagpapatuloy na sama ng panahon.

Sa pabatid para sa publiko ng Parokya ng San Pedro de Alcantara sa Bocaue, Bulacan ang kahandaang patuluyin ang lahat ng mga pamilya o indibidwal na kinakailangan ng pansamantalang matutuluyan dahil sa epekto ng nagpapatuloy na sama ng panahon dulot ng Habagat.

Ayon sa parokya, bukas ang Simbahan para sa mga pamilyang nagnanais na lumikas sa kanilang mga tahanan dahil sa epekto ng pagbaha na dulot ng sama ng panahon.

“Para sa mga pamilyang o indibidwal na malapit sa Parokya ng San Pedro de Alcantara, ipinababatid na bukas ang Simbahan para sa mga nagnanais na lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa epekto ng pagbaha na dulot ng habagat.” Bahagi ng pabatid ng Diocese of Malolos.

Kaugnay nito ayon kay Malolos Diocesan Social Action Coordinator, Ms. Daday Pascual malawak na ang epekto ng kasalukuyang sama ng panahon sa Bulacan kung saan bukod sa pagkalubog sa tubig baha ng maraming mga lugar ay marami na ring mga Simbahan ang pinasok ng baha.

Ibinahagi rin ni Pascual ang inisyal na 300 relief packs ng diyosesis para sa mga apektadong mamamayan.

“Halos lahat po affected. Malalim sa mga affected ng high tide. Pinasok na marami sa mga simbahan pati mother parishes. Obando, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Guiguinto, Balagtas, Hagonoy, Polo Valenzuela. Di pa po makatawid yung relief namin, sa ngayon 300 packs pa lang na release. Waiting pa sa transpo.” Ayon kay Pascual sa Radyo Veritas.

Una na ring ibinahagi ng Diyosesis ng Malolos ang pagbubukas ng iba pang mga Simbahan sa diyosesis partikular na sa mga mababang lugar sa Bulacan kasama na Marilao, Guiguinto, Meycauayan, Bocaue, Calumpit, Santa Maria, Hagonoy, Valenzuela, at Malolos.

Samantala, pinangangambahan naman ang patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa Bulacan na maaring umabot ng hanggang sa anim na talampakan dahil sa patuloy na malakas na pagbuhos ng ulan at pagpapakawala ng tubig ng Bustos Dam.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 106,851 total reads

 106,851 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 183,349 total reads

 183,349 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 216,797 total reads

 216,797 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 252,097 total reads

 252,097 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 474,447 total reads

 474,447 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top