Simbahan, bukas sa lahat ng mga nangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,621 total reads

Tiniyak ng misyonerong Piarist na bukas ang simbahan para sa bawat nangangailangan lalo na sa panahon ng mga sakuna.

Ito ang pahayag ni Fr. Wilmer Samillano, Sch.P, kura paroko ng Holy Family Parish sa Gulod Novaliches, Quezon City makaraang bahain ang malaking bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa epekto ng Habagat na unang pinaigting ng Bagyong Crising.

Binigyang diin ng pari na hindi pinag-uusapan ang pananampalataya, kultura at pagkakaiba ng tao sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

“Sa mga nasalanta laging tandaan na ang simbahan ay laging bukas, walang pinipiling relihiyon, walang pinipiling lahi, ito ay para sa lahat. Hindi pinag-uusapan ang pagkakaiba lalo na sa panahon ng kalamidad,” pahayag ni Fr. Samillano sa Radyo Veritas.

Nitong July 21 nang lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan bunsod ng Habagat kung saan maraming mamamayan ang lubhang naapektuhan.

Binuksan ni Fr. Samillano ang parokya at kinanlong ang mahigit 600 indibidwal lalo na ang mga naninirahan sa paligid ng Tullahan River.
Kasabay ng pagkupkop sa mga lumikas na residente ang pagpapakain gayundin ang pamamahagi ng mga gamot, hygiene kits, mga damit, at malinis na inuming tubig.

Apela ni Fr. Samillano sa mamamayan na maging handa sa anumang panahon lalo na sa mga lugar na kadalasang binabaha.

“Patuloy tayong mag-iingat, laging maghanda, magkaroon lagi ng mga gamit na kapag tumaas ang tubig nakalagay na sa isang bag na pwedeng bitbitin at dalhin agad lalo na ang mga mahahalagang gamit,” ani Fr. Samillano.

Mensahe ng pari sa publiko na makipag-ugnayan sa kanilang parokya para sa mga nais magpaabot ng tulong tulad ng bigas, canned goods, gamot at iba pang kinakailangang tulong sa mga nagsilikas na residente.

Nakahanda na rin ang mga social arm ng iba’t ibang diyosesis sa bansa lalo na ang Caritas Manila para makapaghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 105,371 total reads

 105,371 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 181,966 total reads

 181,966 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 215,414 total reads

 215,414 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 250,714 total reads

 250,714 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 473,150 total reads

 473,150 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top