Thanks giving mass para sa SONA, isasagawa sa Manila cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,250 total reads

Bago ang pormal na pagbubukas ng ika-20 Kongreso, isang thanks giving mass ang isasagawa sa Linggo, isang araw bago ang ika-apat na State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes July 28.

Gaganapin ang misa sa Manila Cathedral ganap na ika-apat ng hapon sa July 27, na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ang misa ay inaasahang dadaluhan ng mga mambabatas, mamamahayag at mga kawani ng Mababang Kapulungan.
Samantala, una na ring inihayag ni House Spokesperson Atty. Princess Abante na 90 hanggang 95 porsyento nang handa para sa pagtitipon na gaganapin sa Batasang Pambansa.

Nitong Lunes, isinagawa ang huling inter-agency coordination meeting bilang paghahanda sa pag-uulat sa bayan ng Pangulong Marcos.

Ayon kay Abante, nasa huling yugto na ng paghahanda ang Kamara, kung saan lahat ng kaukulang ahensya ay maingat na binabantayan ang lagay ng panahon at inaayos ang mga contingency plan.

Sa kabila ng pabugso-bugsong pag-ulan nitong mga nagdaang araw, nilinaw ni Abante na hindi ito naging sagabal sa paghahanda.

“Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ‘yung preparations natin. Hindi naman siya naaantala. Of course, we will keep on monitoring ‘yung developments ng ating panahon sa mga susunod na araw. Pero as of today, tuloy-tuloy at wala namang disruption sa mga preparations,” paliwanag niya.

Sinabi rin ni Abante kinokonsidera ang contingency plans sakaling lumala ang lagay ng panahon, ngunit wala pang napag-uusapan tungkol sa posibleng pagpapaliban ng physical gathering.

Dagdag pa niya, tapos na ang mga security preparations at magiging katulad ito ng sa nakaraang taon, na may kaunting pagbabago kung kinakailangan.

“Of course, there will always be adjustments on various situations or concerns, but just the same, the security group is all prepared for next week’s SONA,” ayon pa sa tagapagsalita ng Kamara.

Nilinaw din ni Abante na wala silang natatanggap na partikular na banta sa seguridad sa ngayon, ngunit patuloy ang ginagawang pagbabantay ng mga awtoridad.

“Sa ngayon, wala naman akong alam specifically na binabantayan. Of course, the Philippine National Police and the Presidential Security Council are always prepared for any security threat. But any specific, well, I have no information,” ayon pa kay Abante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 104,200 total reads

 104,200 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 180,849 total reads

 180,849 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 214,297 total reads

 214,297 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 249,597 total reads

 249,597 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 472,079 total reads

 472,079 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top