Simbahan, hindi kailangang ipagyabang ang mga ginagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Hindi na kinakailangan pang isapubliko ng Simbahan ang mga programa at mga gawaing pinangungunahan at sinusuportahan nito para sa mahihirap.

Ayon kay Diocese of Novaliches Bishop Antonio Tobias, hindi naaangkop para sa Simbahan na ipagsigawan ang mga bagay na ginagawa sapagkat maituturing itong kayabangan at pagmamataas.

Paliwanag ng Obispo, mas mabuti ang magtrabaho at magpursige ng tahimik kung saan hindi kinakailangan pang malaman ng lahat ang mga gawain ng Simbahan.

“We cannot trumpet all the things we do, mga ginagawa namin kasi kayabangan lang yan, kayabangan, you know it’s not good to be done, I would rather listen to what is happening in the other place, but I’m not going to say that this is one good thing that we are doing…” pahayag ni Bishop Tobias sa panayam sa Radio Veritas.

Ilan sa mga pangunahing adbokasiya ng Simbahang Katolika bukod sa pagtulong sa mga dukha at nangangailangan, isinusulong din nito restorative justice, disaster preparedness,livelihood programs, paggabay sa mga Overseas Filipino Workers, mga kababaihan, mga matatanda, bata, pagbibigay ng pangalawang pagkakataon para sa mga drug personalities na makapagbagong buhay sa gitna ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Una na ring nanindigan ang Simbahang Katolika na ang pagpapanibago o rehabilitasyon ng isang lulong sa bisyo ang tugon sa malalang problema ng bansa laban sa ilegal na droga.

Ilan sa mga community based drug rehabilitation ng simbahan ay ang Sanlakbay at Kaunting Pahinga ng Archdiocese of Manila; Salubong ng Diocese ng Caloocan; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago ng Diocese ng Novaliches; Pastoral Approach to Rehabilitation and Reformation ng Diocese ng Cubao; Labang ng Archdiocese of Cebu at ang Galilee Homes ng Diocese ng Malolos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top