Simbahan, hindi kumbinsido sa “one-time bigtime” financial assistance

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,506 total reads

Layunin ng Simbahang Katolika na tulungang umunlad ang buhay ng mga mahihirap hindi lamang sa pagbibigay ng one-time big-time na financial assistance.

Ito ang tiniyak ni Jing Rey Henderson – Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng Caritas Philippines sa pagpapatuloy ng mga adbokasiya ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon kay Henderson, sa tulong ng mga existing programs ng Caritas Philippines tulad ng Self Help Groups, Bamboohay, Bahay-kubo at Busog program ay nakakalikha ng mga trabaho o kabuhayan sa mahihirap na sektor sa bansa.

Sinabi ni Henderson na tinutulungan ng simbahan ang mga mahihirap at nasalanta ng kalamidad na magkaroon ng magkaroon ng kabuhayan na maari nilang mapaunlad sa kinalaunan.

“Kasi kinakailangan na maimulat (ang mga benipisyarto) na dapat lalung-lalu na yung food security at sovereignity ay kinakailangan at pangunahin na tungkulin ng pamilya, pwera sa gobyerno at pwera sa simbahan so kinakailangan at pwede nila iyong maitransform into something na una ay magagamit nila bilang pagkain at pangalawa mapagkakakitaan din nila yung mga ibinibigay natin sa kanila,” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Henderson.

Ibinagi rin ng opisyal na sa tulong ng mga inisyatibo ng Caritas Philippines ay naging suppliers na ng gulay at ibang uri ng pananim sa mga pamilihan ang mga natulungan ng Social Arm ng CBCP na magkaroon ng sariling community gardens.

Pinaigting din ng Caritas Philippines ang Farm-to-Market Approach upang agad na maibenta ng mga mangingisda at magsasaka ang kanilang produkto na hindi na dumadaan sa mga middle-men.

“Hindi one time na bibigyan natin ng pondo para doon sa kanilang mga activities kungdi may mga kasama itong mga trainings, ibig sabihin itine-train natin, at saka mga formation, lalung-lalu na doon sa mga kababaihan at kanilang mga pamilya, pagkatapos ng organizing ay papasok na yung family formations sessions natin, afterwards mayroon tayong tinatawag na mga self- help groups, ito ay mobilization natin para magkaroon ng savings,” paglilinaw ni Henderson sa Radio Veritas.

Sa datos ng Caritas Philippines, ang mga nabanggit na programa ay magkakahiwalay na ipinapatupad sa 60-diyosesis sa Pilipinas kung saan umaabot sa 250 hanggang 500 pamilya ang nagiging bahagi nito.

Pinakamalaking bilang ng mga natulungan at patuloy na nakakatatanggap ng livelihood programs ay ang Lipa Archdiocesan Social Action Center na mahigit sa limang libong pamilya.

Sa kasalukuyan, inihayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan ng pamahalaan na gumawa ng “food stamp” program para sa mga pinaka-mahirap na Pilipino sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 188,670 total reads

 188,670 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 259,261 total reads

 259,261 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 292,710 total reads

 292,710 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 328,010 total reads

 328,010 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 546,928 total reads

 546,928 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top