Simbahan, hindi nagtatago sa pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 750 total reads

April 13, 2020, 2:06PM

Bagama’t bahagi na ng tungkulin bilang lingkod ng simbahan, personal ding kagustuhan ng mga paring relihiyoso na maglingkod sa mamamayan sa kabila ng panganib na dulot ng Novel Coronavirus.

Ayon kay Fr. Angel Cortez ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), kinakailangan ng bawat isa na tumulong sa pamahalaan at mamamayan sa abot ng kanilang kakakayanan na ang layunin ay masupil ang pagkalat ng sakit.

“Bago naman suungin ng mga relihiyosong ito ay alam na nila ang risk at pinapaalalahanan din tayo ng CBCP at leaders. Pero sino ba naman ang hindi mahahabag sa sitwasyon ngayon. So personal choice na po ito ng mga religious na talagang humaraharap dito sa ganitong pangyayari,” ayon sa pahayag ni Fr. Cortez.

Ikinalulungkot din ni Fr. Cortez na ibalita ang pagpanaw ng sampung Franciscans priest sa Italya dulot ng Covid-19 na nagsilbing mga doktor at medical frontliners.

Unang ipinagluksa ng simbahan sa Pilipinas ang pagpanaw ng isang seminarista mula sa Redemptoris Mater Seminary dulot din ng pagkahawa sa virus.

Tiniyak din ni Fr. Cortez ang patuloy na paglilingkod sa publiko sa kabila ng banta ng pandemya lalu’t pinalawig ng pamahalaan ang Enhance Community Quarantine (ECQ) sa kalakhang Maynila.

“Sa panahong ito ay hinahanap ng iba ang simbahan, hindi na nila kailangang hanapin dahil hindi naman tayo nagtatago. Tayo ay nandito lang sa tabi-tabi at ginagawa ang ating tungkulin,” ayon kay Fr. Cortez.

Ilan sa mga pinagkakaabalahan ng mga Catholic congregation ang pagbibigay ng matutuluyan sa mga medical frontliners, pulis at mga walang tahanan.

Ilan din sa mga inistyatibo ang pagsasagawa ng mobile kitchen para sa nagugutom gayundin ang pamamahagi ng relief goods sa mga mahihirap na komunidad.

Sa Pilipinas, tinatayang may 300 religious congregation ang miyembro ng AMRSP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 116,491 total reads

 116,491 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 254,137 total reads

 254,137 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 369,913 total reads

 369,913 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 485,688 total reads

 485,688 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top