Simbahan, nababahala sa pagkakalugmok ng kabataang Filipino sa depresyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 810 total reads

Nakikiisa ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care sa ipinagdiriwang na Mental Health Month.

Ayon kay Rev. Fr. Dan Cancino – Executive Secretary ng komisyon, ang mental health month ay nakatulong upang maipakita ang pagpapahalaga ng komunidad sa mga taong dumaranas ng mental health illness.

Bukod dito, sinabi ng Pari ang kahalagahan na mapataas ang kamalayan ng taumbayan kung paano maiwasan ang pagkakaroon ng hindi malusog na kaisipan.

“Nakikiisa ang simbahan sa pagdiriwang ng ating Mental Health Month. Kung titingnan natin ang pinaka magandang dinulot ng Mental Health Month ay ang pagbibigay importansya, pagpapahalaga, at increase sa awareness na ang ating kalusugan ay hindi lamang nafofocus doon sa kalusugan ng iba’t ibang mga organs ng ating katawan, part and parcel noong total well-being ng tao ay yung mental health, kalusugang pang kaisipan,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radyo Veritas

Kaugnay dito, nababahala ang Pari na marami sa mga Filipino, partikular na sa mga kabataan ang nalulugmok sa depresyon at labis na pag-aalala.

Sinabi nito na ang depresyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit nalululong sa masamang bisyo ang isang indibidwal.

Paliwanag ni Fr. Cancino nais ng isang taong may depresyon na matakasan ang kanilang problema sa pamilya o sa lipunan kaya naman gumagamit ito ng bawal na gamot upang makaramdam ng kasiyahan.

“Marami sa ating mga kabataan ang naaapektuhan nung hindi magandang kalusugan na pangkaisipan. Kadalasan ang mga tao ngayon ay napupunta sa depression, napupunta sa deep anxiety, at yung depression at anxiety pwede yong mag breed sa paggamit ng mga pinagbabawal na gamot para maiwasan yung malaking problema sa pamilya o malaking problema sa lipunan,” dagdag pa ng Pari.

Dagdag pa ni Fr. Cancino isang salik din sa pagkalulong ng isang tao sa iligal na droga ang udyok ng kanyang mga kaibigan.

Gayunman, naniniwala itong kung may maayos na pag-iisip ang isang tao ay kaya nitong piliin ang tama sa mali, at tukuyin kung ano ang moral sa imoral.

Sa pag-aaral ng World Health Organization, nangunguna ang Pilipinas sa Southeast Asia na may pinakamaraming bilang ng dumaranas ng depresyon na umaabot sa 4 na milyon.

Naitala naman ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang 4.7milyong drug users sa bansa.

Una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot ay isang bagong anyo ng pang-aalipin at isang sugat sa lipunan na dapat sugpuin sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 16,337 total reads

 16,337 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 75,781 total reads

 75,781 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 161,148 total reads

 161,148 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 207,884 total reads

 207,884 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 255,755 total reads

 255,755 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 356,011 total reads

 356,011 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 3,039 total reads

 3,039 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 44,050 total reads

 44,050 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,924 total reads

 36,924 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top