Simbahan, nanatiling bukas para sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total reads

March 26,2020-2:01pm

Nilinaw ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental na bagamat mayroong mga limitasyon at pag-iingat na ipinatutupad ang Simbahang Katolika mula sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 pandemic ay hindi naman tuluyang isinasara ng Simbahan ang mga pinto para sa mga mananampalataya.

Paliwanag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pansamantalang sinuspendi ang mga pampublikong Misa sa lahat ng parokya subalit maari pa ring manalangin sa loob ng mga simbahan kaakibat ang pag-iingat tulad ng pagsunod sa social distancing o physical distancing.

Ibinahagi rin ng Obispo na patuloy ang pagkakaloob ng mga serbisyong pang-espiritwal ng mga Pari at iba pang lingkod ng Simbahan sa diyosesis tulad nang pagbabasbas sa mga namatay at pagmimisa sa patay na may limitadong bilang lamang ng mga nakikiramay.

“We don’t close our churches actually, we continue to celebrate the mass pero walang public attendance, I don’t want to use the word na ‘close ang churches’ kasi its not true, it’s open for the people to visit anytime observing social distancing o physical distancing, available naman ang mga pari kahit mga funeral masses na limited lang talaga yung attendance,” ayon kay Bishop Alminaza sa panayam sa Radyo Veritas.

PAGGUNITA NG MAHAL NA ARAW

Tiniyak naman ni Bishop Alminaza ang pagsunod ng diyosesis sa tagubilin at payo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ng Vatican sa paraan ng paggunita ng Mahal na Araw.

Ayon sa Obispo, puspusan na ang pakikipag-ugnayan ng mga Simbahan sa diyosesis para sa pag-iikot ng Banal na Sakramento sa buong komunidad upang mailapit ito sa mga mananampalataya ng hindi lumalabag sa pagsasagawa ng malalaking pagtitipon.

Paliwanag ni Bishop Alminaza, mula sa Linggo ika-28 ng Marso kasabay ng ika-limang linggo sa panahon ng Kwaresma ay ililibot na sa buong komunidad ang Banal na Sakramento matapos ang Banal na Misa na mapapanuod online kung saan maaring magsindi ng kandila at mag-alay ng panalangin ang bawat mananampalataya na madaraanan nito.

“Starting this Sunday mag-iikot na kami sa parameters ng city that would involve to other mission stations mag-coordinate na kami and we can do it together na lang na i-bring the Blessed Sacrament around kasi people feel na kahit na they don’t go out of their house, kahit sa window lang o sa pintuan nila when they see the Blessed Sacrament passing by, blessing talaga,” dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Ito rin ayon sa Obispo ang gagawin ng diyosesis sa Huwebes Santo sa halip na ang nakaugaliang pagsasagawa ng Visita Iglesia ng mga mananampalataya.

Sa halip na Banal na Sakramento ay Krus naman ang ililibot sa buong komunidad ng Simbahan sa pagsapit ng Biyernes Santo kasama ang imahen ni Saint Charles de Borromeo-ang patron ng Diocese of San Carlos.

Bahagi ng nasasakupang lugar ng Diocese of San Carlos ay ang una at ikalawang distrito ng Negros Occidental bukod pa sa ilang mga syudad at bayan sa Negros Oriental na kinabibilangan ng Canlaon at Guihulngan at bayan ng Vallehermoso at La Libertad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 34,245 total reads

 34,245 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,803 total reads

 70,803 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,014 total reads

 89,014 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 173,342 total reads

 173,342 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 209,150 total reads

 209,150 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,343 total reads

 38,343 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top