345 total views
Nangangamba si Archbishop Emeritus Oscar Cruz na mamayani ang ‘death mentality’ sa kabataan, dulot ng mga ulat sa media sa araw-araw na mga pagpaslang sa bansa.
Ayon sa Arsobispo, nagiging karaniwan na sa mga pahayagan, social media at telebisyon ang mga pagpaslang na maaaring tumimo sa kaisipan ng marami na ang pagpatay ay karaniwan lamang.
“Sa ngayon, maging sa kabataan, ang kanilang perspektibo ay ang pumatay ng tao ay wala namang problem. Yan ang tinatawag na infused value system na nakikita araw-araw, e parang okay lang,” pahayag ni Archbishop Oscar Cruz sa Radio Veritas.
Dagdag pa ng Arsobispo, hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat ang nakikitang ugali ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagmumura at mga banta ng pagpaslang tulad ng panukalang 100-libong pisong pabuya sa bawat mapapatay na miyembro ng CPP-NPA.
“Whether we like it or not, this mentality is creeping in especially in the mind of the young people at nakakatakot yan. Lalabas na ‘human life’ is cheap which is a pity. So Uulitin ko, when there is no life, what is life any way.”pahayag ng Arsobispo
Sa pinakahuling ulat, may 7,080 na ang bilang ng napapaslang na may kaugnayan sa droga at ang 2,555 na napaslang ay bunsod ng police anti-drug operation.
Isang panukala rin ang iminumungkahi na pagbibigay ng pabuya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bawat miyembro ng mga terorista at rebeldeng New Peoples’ Army na mahuhuli patay man o buhay.
Naunang sinopla ng Promotion of Church People’s Response ang pagbibigay ng bounty o reward money ng gobyerno sa sinumang mapapatay na miyembro ng rebeldeng komunista.
Read:
Death reward money sa CPP-NPA, kinondena