Samahang Muslim at Kristiyano sa Mindanao, lalong tumatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 779 total views

Lalong tumatag ang samahan ng mga Kristyano at Muslim sa Mindanao sa kabila ng patuloy na krisis sa rehiyon.

Ito ang ibinahagi ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo sa kabila ng patuloy na pag-iral ng Martial Law sa rehiyon dulot ng bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Cardinal Quevedo, mapayapa ang pamumuhay at samahan ng mga Muslim at Kristiyano sa Mindanao kung saan tila walang pagkakaibang namamayani sa bawat mamamayan na sama-samang nabubuhay ng normal sa araw-araw.

“It’s very good, they are ordinary people, it’s the terrorist are making Muslims and Christians in secure even the Muslims and ordinarily we walk together, we go to market together, children go to school together so parang walang Muslim and Christian sa kanila parang ordinary citizens lang sila…” pahayag ni Cardinal Quevedo sa panayam sa Radio Veritas.

Matatandaang, ika-23 ng Mayo ng idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao kasunod ng pag-atake at tangkang pag-kubkob ng teroristang grupong Maute sa Marawi City.

Habang noong ika-22 ng Hulyo ay inaprubahan ng Kongreso sa isinagawang Joint Session ang pagpapalawig sa Batas Militar sa rehiyon hanggang sa ika-31 ng Disyembre alinsunod narin sa naging apela ni Pangulong Duterte.

Saklaw ng umiiral na Martial Law ang 25 lalawigan at 27 lungsod ng Mindanao na may tinatayang aabot sa 30-milyong populasyon na karamihan o mayorya ay mga Muslim kung saan mayroon ring aabot sa 20 arkidiyosesis at diyosesis ang Simbahang Katolika.

Matatandaang una nang binigyang diin ng mga Obispo mula sa Mindanao na hindi maituturing na “religious war” ang nagaganap na kaguluhan sa rehiyon na dulot ng mga teroristang grupong nais maghasik ng kaguluhan at takot sa mga mamamayan.

Gayunpaman, bukod sa kalagayan ng mga apektadong residente sa patuloy na bakbakan sa Marawi City at kaguluhan sa rehiyon ng Mindanao ay patuloy ang panalangin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa kaligtasan at kalayaan ng lahat ng mga bihag ng teroristang grupo kabilang na si Fr. Chito Suganob na siyang Vicar General ng Prelatura ng Marawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 13,803 total views

 13,803 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 31,603 total views

 31,603 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 31,603 total views

 31,603 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 144,994 total views

 144,994 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 166,418 total views

 166,418 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 12,248 total views

 12,248 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top