Simbahan at NGOs kay Duterte; alagaan ang kalikasan at ang maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 349 total views

Pinangunahan ng CBCP NASSA Caritas Philippines ang isang faith-based forum for development and ecological agenda na may temang “Cry of the Earth, Cry of the Poor” bilang bahagi ng paggunita sa unang anibersaryo ng pagsasapubliko ng Laudato Si ni Pope Francis.

Sa naturang forum, nanawagan ang iba’t ibang non-government organizations sa susunod na administrasyon na tiyakin ang kapakanan ng kalikasan at ng mga apektado ng pagkasira nito.

Kaugnay dito, binigyang diin ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, chairman ng CBCP NASSA Caritas Philippines na ang mga agendang ito ay dapat seryosohin at agad tugunan.

“Ang forum na ito ay pagsasama-sama ng mga adhikain ng ibat ibang sektor ng ating lipunan at lahat ng yan ay ipapaabot natin sa bagong mamumuno ng ating bansa siyempre ang Simbahan ay nandyan para tulungan sila sa kanilang mga hinaing at tinig ay makaabot sa kinauukulan.”Pahayag ni Abp. Tirona sa Radyo Veritas

Kabilang sa mga agendang nais ihain ng grupo sa susunod na administrasyon ang pagkakaloob ng proteksyon sa karapatan ng maliliit na magsasaka at mangingisda at pagbibigay ng karagdagang subsidies na susuporta sa lokal na produksyon.
Hiling rin ng grupo ang pagbibigay galang sa kultura ng mga katutubo sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad sa Indigenous People’s Rights Act, pagbibigay ng programang magpapaunlad ng pangkabuhayan at pagprotekta sa kanilang karapatang pantao.

Sa bahagi naman ng mga manggagawa, muling binigyang diin ang usapin ng kotraktualisasyon at pagtataas ng minimum wage sa P750.00 sa mga empleyado ng pribadong kumpanya at minimum na P16,000 kada buywan sa mga government employees.

Samantala sa pangangalaga sa kalikasan patuloy ang panawagan ng mga environmental ps para sa transition patungo sa renewable energy at pagpapasara sa mga kasalukuyang coal power plants na nag ooperate sa bansa.

Sa usapin naman ng pagmimina, nais ng grupo na agad na maipatupad ang Alternative Minerals management Bill at pagkumpleto sa “No-Go Zones” map at pag-rehabilitate sa nasirang kapaligiran ng mga minahang kasalukuyang nakabukas sa bansa.

Para naman sa mga mahihirap na unang naaapektuhan ng mga kalamidad, humihingi ang grupo ng karagdagang pondo para sa mga lokal na pamahalaan, at pag organisa ng grupong National and Regional Disaster Risk Reduction and Management Training Institute upang umagapay sa mga lokal na pamahalaan para sa Climate Change Adaptation.

Tinatayang mahigit 30 non-government organizations at faith based organizations na nag mula sa ibat ibang sektor ng lipunan tulad ng mga mag sasaka, mangingisda mga katutubo, mga manggagawa at mga apektadong residente ng pag mimina at coal fired power plants ang lumahok sa naturang forum.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 76,282 total views

 76,282 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 76,282 total views

 76,282 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 76,282 total views

 76,282 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 73,951 total views

 73,951 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 67,546 total views

 67,546 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 285,197 total views

 285,197 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top