Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga opisyal na hindi nagsilbi sa bayan, tanggalin

SHARE THE TRUTH

 255 total views

Magiging ganap lamang ang hangad na pagbabago sa lipunan kung magkakaroon mismo ng pagbabago sa mga programa at sa mga taga-pagpatupad ng mga ito mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on the Laity, walang pagbabago kung mananatili ang mga opisyal ng gobyerno na hindi naman tunay na nakapagsilbi ng tapat at maayos sa mamamayan.

“Lagi lang tayong nag-aabang ano ba talaga yung mga programa na kanilang gagawin at sino ba talaga yung mga tao na magpapaligid sa kanila so sana yan ay kung gusto natin ng pagbabago dapat may mga bagong tao, may mga bagong programa hindi tayo magkakaroon ng pagbabago kung ang programa ay parepareho.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo, sa Radyo Veritas.

Paliwanag pa ni Bishop Pabillo, malaki ang papel na ginagampanan ng mga miyembro ng gabinete sa sistema ng pagpapatupad ng mga proyekto at programang nakalaan para sa mga mamamayan.

Kaugnay nito, batay nga sa Article 7 Section 16 ng 1987 Constitution, maaring magtakda o maghirang ang Pangulo ng sinuman upang maging bahagi ng kanyang Gabinete sa pahintulot na rin ng Commission on Appointments.

Batay sa tala ng Office of the President, binubuo ng 35 regular cabinet members ang Administrasyong Aquino bukod pa sa 6 na Cabinet-Rank Officials ng Administrasyon

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,971 total views

 28,971 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,955 total views

 46,955 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,892 total views

 66,892 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,792 total views

 83,792 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,167 total views

 97,167 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 23,911 total views

 23,911 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »
Scroll to Top