Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, pamahalaan; Magkatuwang sa pagtiyak ng suplay ng pagkain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 458 total views

Tiniyak social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pakikipagtulungan sa pamahalaan sa pagtiyak ng sapat ng suplay ng pagkain sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Antonio E. Labiao-executive secretary ng Caritas Philippines, kabilang sa mga sustainable agriculture programs na pingangasiwaan ng Simbahang Katolika sa may 50-lalawigan sa buong bansa ang organic farming, fertilizer production, livestock raising at pagtuturo sa mga magsasaka at mangingisda sa pagbuo ng samahan na makapagbibigay suporta sa bawat isa.

Giit ng pari, ang programa ay nakatugon sa pangangailangan ng maraming pamayanan sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic at maaari ring makatulong sa kasalukuyang problema ng bansa sa kakulangan ng suplay ng pagkain.

“These places us in the most strategic position to mobilize our communities to continue working for local food security, as what we have done during our COVID-19 pandemic response,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Labiao.

Paliwanag ng Pari, natutunan ng Caritas Philippines sa may isang dekadang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na magsasaka at mangingisda ay ang pagsasantabi ng middle man.

Giit ni Fr. Labiao, kinakailangan na magkaroon ng direktang ugnayan ang sektor ng agrikultura at merkado upang hindi na mahati ang kita ng mga magsasaka gayundin ay mapanatili ang mababang presyo ng produkto.

“We would like to show the government, especially the Inter-Agency Task Force on Zero Hunger that with effective and inclusive enterprise management, we are able to eliminate middle traders.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.

Tiniyak din ng Caritas Philippines sa pakikipagpulong kay Secretary Karlo Nograles na kaisa ang simbahan sa layunin ng pamahalaan na mabigyang tugon ang kagutuman sa Pilipinas o ang zero hunger sa taong 2030.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 44,830 total views

 44,830 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 112,318 total views

 112,318 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 133,383 total views

 133,383 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 155,272 total views

 155,272 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 189,312 total views

 189,312 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top