Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, Pinalawak pa ang pagtulong sa mga drug dependent

SHARE THE TRUTH

 231 total views

Masigasig pa ring isinusulong sa Archdiocese ng Cebu ang pagtulong sa mga Drug Dependents sa lalawigan.

Ayon kay Fr. Carmelo Diola ng Dilaab Foundation, nagsimula ang kanilang community based Drug Rehabilitation taong 2016.

“Mayroon tayong 3 phases nito. Una 2 months bring together the leaders in the community, pagkatapos ang actual intervention which is four to six months ang kaibahan po sa amin ay daily ito tapos healing from 6 to 8 hours and ang third phase ang ‘After Care’ livelihood and integration,” ayon kay Fr. Diola.

Sa kasalukuyan ay aktibo na rin ang Cebu Archdiocesan Program for Drug Dependence sa pamamagitan ng Sugo o Surrendered to God at ang Labang o Lahat Bangon na pinasimulan ng Dilaab Foundation.

“You have to bring them together, It is the church that will bring that together. It is very challenging lalu na sa simula but we are coping,” dagdag pa ni Fr. Diola.

Ayon kay Fr. Diola, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Simbahan, Barangay at Pulisya mayroon na silang 200 volunteers sa 10 mga parokya at 15 limang barangay sa Cebu para pangasiwaan ang araw-araw na pagtulong para sa pagpapanibago ng mga nalulong sa masamang bisyo.

Bukod sa mga faith based approach, nagbibigay din ang Cebu ng after care program kabilang na ang livelihood training para sa mga pasyente.

Noong Abril isinagawa sa Cebu City ang ‘National Conversation on Church Led Recovery Program na dinaluhan ng mga kinatawan ng may 20 diyosesis sa buong bansa.

Bukod sa SUGO at Labang ng Cebu mayroon naman ang Archdiocese ng Manila na Sanlakbay; Salubong ng Diocese ng Caloocan; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; at ang 27 taon nang Galilee Homes ng Diocese ng Malolos na nagbibigay ng programa para sa lulong sa bisyo.

Una na ring inihayag ng Philippine National Police (PNP) ang pakikipagtulungan sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa rehabilitasyon ng higit sa 1.2 million drug surrenderers.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,068 total views

 25,068 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,156 total views

 41,156 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,821 total views

 78,821 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,772 total views

 89,772 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,786 total views

 31,786 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 4,156 total views

 4,156 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 24,009 total views

 24,009 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top