Disaster office dagdag Bureaucracy sa Pamahalaan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 545 total views

Ang pagbubuo ng panibagong Disaster Office o Department of Disaster para tumutok sa paghahanda para sa anumang Kalamidad na maaring maganap sa Bansa ay dagdag Bureaucracy lamang sa Pamahalaan.

Sa halip, ipinaliwanag ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Senator Richard Gordon, mas nararapat na sanayin at disiplinahin ang bawat mamamayan kung ano ang naaangkop na maging tugon sa oras na mayroong maganap at magaganap kalamidad sa Pilipinas.

Iginiit ng mambabatas na dapat simulan ang pagsasanay at paghahanda sa mamamayan na maging aktibo sa oras ng Kalamidad.

“Ang kailangan natin, hikayatin ang mga mamamayan na matuto sa mga hamon ng Disasters at para magawa, pero kung lalagay ka na naman ng Disaster Office parang another Bureaucracy ang kailangan natin hanggang sa baba, hanggang sa Estudyante, hanggang sa Local Government, hanggang sa lahat ng tao sama-sama na magko-ccordinate talaga…” pahayag ni Gordon sa panayam sa Radyo Veritas.

Ang pagbubuo ng isang panibagong kagawaran na Department of Disaster sa mga panibagong planong inilahad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address.

Batay sa ulat ng United Nations lumalabas na ang Pilipinas ay panglima sa mga bansa na pinaka-nakakaranas ng kalamidad sa buong mundo, habang sa pag-aaral ng Global Climate Risk Index simula taong 1994 hanggang 2013 pang lima ang Pilipinas sa sampung bansang pangunahing naaapektuhan ng matinding pagkasira ng kalikasan.

Samantala sa bahagi naman ng Simbahan, bukod sa pagdarasal ang pangangalaga sa kalikasan at ang kaalaman sa paghahanda laban sa iba’t ibang sitwasyon ay dapat na isaalang alang ng Publiko para sa kaligtasan ng bawat isa.

Naunang tiniyak ng mga Social Action Centers na nakahanda ang Disaster Risk Reduction Response ng bawat Simbahan upang tulungan ang mga nangangailangan at maaring maapektuhang residente ng iba’t ibang mga kalamidad at sakuna sa Bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 11,870 total views

 11,870 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 42,093 total views

 42,093 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 68,744 total views

 68,744 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 163,717 total views

 163,717 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 184,260 total views

 184,260 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top