TRAIN law, dahilan ng mataas na presyo ng bilihin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,072 total reads

Nanindigan si dating Bayan Muna partylist Representative Atty. Neri Colmenares na ang ipinatupad na reporma sa pagbubuwis ng pamahalaan ang tunay na dahilan sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Bansa.

Ayon sa dating mambabatas, malinaw sa mamamayan ang naging epekto mula nang ipinatupad ng Pamahalaan ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion Law.

Ipinaliwanag ni Colmenares na bagamat tumataas ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ay nakadadagdag ito sa pagtaas ng presyo ng produktong langis sa bansa dahil sa excise tax na ipinapatong sa presyo kada litro.

“Bagamat totoo na tumataas ang presyo ng langis sa mundo pero ito hindi ito ang puwedeng masisi ng Duterte Administration na dahilan, ang TRAIN Law talaga ang dahilan dito.” pahayag ni Colmenares sa Radio Veritas.

Sinabi ni Colmenares na ipinapaskil din sa mga gasoline station sa bansa ang paunawang dahil sa TRAIN Law ang pagtataas sa presyo ng langis na isang malinaw na indikasyon na malaki ang naidudulot ng reporma sa pagbubuwis.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong Hunyo umabot sa 5.2 porsiyento ang Inflation Rate sa bansa kung saan nangunguna ang mga produktong pang agrikultura sa may pinakamabilis ang paggalaw ng presyo dulot na rin sa mataas na gastusin sa transportasyon.

Nauna nang tinutulan ng ilang Lider ng Simbahang Katolika sa bansa ang pagsasabatas ng TRAIN law dahil nakikita nito ang malaking epekto sa mga mahihirap partikular na sa mga walang hanapbuhay.

Read: TRAIN law, Dahilan ng pisong pagtaas sa pamasahe

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 120,044 total reads

 120,044 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 257,451 total reads

 257,451 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 373,227 total reads

 373,227 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,892 total reads

 488,892 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top