Mga kabataan, Malaki ang papel sa pagbabago ng sistema ng halalan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 775 total reads

Ang mga Kabataan ay dapat na aktibong maki-alam at maki-bahagi sa nakatakdang 2019 Midterm Elections sa susunod na taon.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Rona Ann Caritos – Executive Director ng Legal Network For Truthful Elections (LENTE) at chairman ng Task Force Eleksyon sa malaking gampanin ng mga kabataan para sa nakatakdang halalan.
Ipinaliwanag ni Atty. Caritos na malaking bilang ng mga botante ay mga kabataan kaya’t nararapat lamang ang kanilang aktibong pakikibahagi sa nakatakdang 2019 Midterm Election.

Ayon kay Caritos, mahalaga ang matalinong pakibahagi ng mga kabataan sa mga usaping panlipunan tulad na lamang ng halalan na isa sa mga pantay na karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa.

“Ang pinaka-kailangan na sektor ngayon ng ating lipunan na mas kailangang maging parte ng Task Force at lalo na ng ating Eleksyon ay ang kabataan kasi kita naman natin sa data ng COMELEC, ng ating Commission on Elections na 60-percent ng ating mga botante ay mga kabataan, 18 (years old) above 60-percent. Nakikita natin na dapat mas marami yung role nila or mas malaki yung kanilang gagawin sa darating na eleksyon…” pahayag ni Caritos sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang inihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth na mahalaga ang aktibong pakikibahagi ng lahat partikular na ang mga kabataan sa halalan upang maibahagi ang kanilang kalakasan, talino at angking kakayahang ipinagkaloob ng Panginoon.

Kaugnay nito batay sa inisyal na datos ng Commission on Elections o COMELEC, mahigit sa 60-porsyento ang bilang ng mga kabataang registered voters mula sa kabuuang 59.5-milyong rehistradong botante sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 119,540 total reads

 119,540 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 257,035 total reads

 257,035 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 372,811 total reads

 372,811 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,488 total reads

 488,488 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top