Simbahan, Nanawagan sa Pamahalaan na tugunan ang lumalalang kahirapan sa Bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 430 total reads

Ipagdasal ang Bansang Pilipinas upang matamo ang tunay na pagbabago.

Ito ang panawagan ni Rev. Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng CBCP National Secretariat for Social Action o NASSA Caritas Philippines sa bawat mamamayan kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng lipunan.

Ayon kay Fr. Gariguez, malaki ang maitutulong ng bawat mamamayan sa pagbabago tungo sa isang mapayapa at maunlad na lipunan.

Bukod dito ay mahalagang ipanalangin ang mga namumuno sa bansa na maglunsad ng mga programa at polisiyang makatutugon sa pangangailangan ng Bayan na maitataguyod ang karapatan ng bawat isa.

“Ipagdasal ang ating Bayang Pilipinas, at ipagdasal din natin ang ating mga Pinuno na para talaga magsulong ng makabuluhan at makahulugang pagbabago hindi yung pagbabagong patungo sa kasamaan kundi nais din natin na manawagan upang yung Moralidad sa Lipunan, Tunay na kaunlaran, at paglilingkod sa mga mahihirap ay mas higit na maisaalang-alang ng kasalukuyang Pamahalaan.” pahayag ni Fr. Gariguez sa Radio Veritas.

Umaasa ang pari na makita ng pamahalaan ang paglaganap ng kahirapan sa bansa na batay sa huling Social Weather Station survey ay mahigit sa 11 milyong Filipino ang naghihirap at mahigit 2 milyong pamilya naman ang nagugutom.

Bilang pakikiisa ng Simbahang Katolika sa Pamahalaan ay naglunsad din ito ng iba’t ibang programa na tutulong maihatid ang pagbabagong nais ng kasalukuyang Administrasyon.

Halimbawa dito ang pagtatayo ng mga programang pangrehabilitasyon para sa mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot, pagbibigay ng libreng pagsasanay para sa pangkabuhayan ng mamamayan at feeding programs sa iba’t ibang parokya sa 86 na mga Diyosesis at Arkidiyosis sa bansa.

Patuloy ang panawagan ng Simbahang Katolika sa pagkakaisa upang makamit ang pag-unlad at pagbabago ng Sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 32,625 total reads

 32,625 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 63,897 total reads

 63,897 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 141,752 total reads

 141,752 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 235,981 total reads

 235,981 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 295,275 total reads

 295,275 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top