Condom distribution ng Gobyrerno, False security approach sa problema ng HIV/AIDS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 382 total views

Maituturing na “False Security” lamang para sa mamamayan ang paraan ng pagtugon ng Pamahalaan sa pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV/AIDS) sa bansa.

Ito ang inihayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa kanyang Pastoral Visit On the Air sa himpilan ng Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na malaki ang pinagkaiba ng paraan ng pagtugon ng Simbahan at ng pamahalaan sa lumalalang suliranin ng Bansa.

Iginiit ng Obispo na hindi dapat natatapos sa pagbibigay ng condom sa mamamayan ang approach ng pamahalaan upang maiparamdam ang pagiging ligtas sa naturang sakit.

“Iba kasi ang approach natin (Simbahan) sa approach ng Gobyerno, Ang approach ng Gobyerno na pagbago ng lifestyle bigyan ng condom, ibig sabihin kapag may condom ka you Feel Safe na may condom ka, it’s a False Security” pahayag ni Bishop Pabillo.

Ayon sa Obispo, ang naturang paraan ng pamahalaan ay kaiba sa isinusulong ng Simbahan na pagpukaw sa kamalayan ng mga mamamayan upang magbago ng paraan ng pamumuhay at pakikipagrelasyon.

Binigyan-diin ni Bishop Pabillo na dapat maimulat ang sambayanan sa kahalagahan ng ‘Abstinence’ o pangingilin bilang isa sa pangunahing paraan upang maiwasan ang naturang sakit.

“Yung approach natin sa Simbahan ay talagang baguhin yung lifestyle – ang ugali mo na talagang hindi ka na dapat na multiple partners, na maging tapat ka sa partner mo . Abstinence, yun talaga ang pinakamahalaga…” pahayag ni Bishop Pabillo.

Pagbabahagi ng Obispo, mayroong ministry ang Simbahan sa pagtulong sa mga may sakit partikular na sa mga may HIV/AIDS.

“Naturally kasama po sa ministry natin sa mga may sakit ay hindi lang yung clinic ngunit talagang matulungan natin yung mga may sakit lalong lalo na yung mga may HIV/AIDS, so may isa pong bahagi ng ministry dyan na San Lazaro, pagtulong sa mga may HIV/AIDS yung sa pagpa-testing saka yung pagtanggal sa taboo sa HIV/AIDS so isa din yun sa mahalagang ministry na pwede nating gawin…” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH) noong Marso, nasa 33-kaso ang nagpopositibo sa HIV/AIDS kada araw mula ng magsimula ang kasalukuyang taong 2018.

Malaki ang itinaas ng bilang na ito mula sa dating 22-positibong kaso na naitatala kada araw noong 2015.

Bukod dito ang Pilipinas din ang may pinakamataas na pagdami ng HIV cases sa Asia Pacific Region na 133-porsyento mula lamang noong 2010 hanggang 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 2,429 total views

 2,429 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 32,652 total views

 32,652 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 59,303 total views

 59,303 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 154,331 total views

 154,331 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 175,653 total views

 175,653 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top