Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, pinuri ng George Cross awardee sa kampanya kontra COVID-19

SHARE THE TRUTH

 388 total views

Pinuri ni United Kingdom-based Filipina nurse May Parsons ang hakbang ng simbahan sa patuloy na pakikipagtulungan sa pamahalaan sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine sa mamamayan.

Bukod sa pagtulong sa pamamahagi ng bakuna, hinimok ni Parsons ang simbahan na patuloy na isulong at paigtingin ang pagpapalaganap ng katotohanan at labanan ang pagkalat ng maling impormasyon hinggil sa bakuna.

“As Filipinos, we are very religious. We are Catholic. I think the church can do more in terms of actually combating misinformation,” pahayag ni Parsons sa panayam ng Radio Veritas sa ginanap na press conference sa University of Santo Tomas.

Sinabi ng Filipina nurse na mahalaga rin ang patuloy na information dissemination hinggil sa COVID-19 vaccines lalo na sa mga mahihirap na komunidad upang mapawi ang pangamba ng publiko at mas mahikayat na magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa virus.

Nilinaw naman ni Parsons na hindi pa rin sapilitan ang pagpapabakuna bagkus ay sinisikap lamang na mahikayat ang publiko na pangalagaan ang sarili laban sa umiiral na COVID-19.

“We cannot force people to take them, but we can advise them in the right way. Because people are allowed to make wrong decisions as long as I feel that they’ve been given all of the right information,” ayon kay Parson.

Si Parsons ang nangasiwa sa kauna-unahang coronavirus vaccination sa buong mundo at nakatanggap ng George Cross Award mula kay Queen Elizabeth II at Prince Charles sa Windsor Castle.

Ang George Cross award ay ang pinakamataas na civilian award para sa katapangan at kagitingan.

Nagtapos si Parsons ng kanyang Nursing degree sa UST noong 2000 at nagtrabaho sa UST Hospital hanggang 2003.

Sumali siya sa National Health Service (NHS) at mula 2003 ay kabilang na sa University Hospitals Coventry and Warwickshire, NHS Trust, sa United Kingdom.

Kabilang na ngayon si Parsons sa mga nagkamit at nagbigay-karangalan sa bansa, tulad ni Hidylin Diaz na kauna-unahan at nag-iisang Olympic gold medalist, at si Maria Ressa na isang mamamahayag at unang Filipino na nakatanggap ng Nobel Peace Prize.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 82,249 total views

 82,249 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 90,024 total views

 90,024 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 98,204 total views

 98,204 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 113,739 total views

 113,739 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 117,682 total views

 117,682 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,568 total views

 2,568 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 3,976 total views

 3,976 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top