NO Contact Apprehension Policy, binatikos ng transport groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Binatikos ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ang patuloy na implementasyon ng “No-contact Apprehension Policy (NCAP) sa 5-lungsod sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Liberty De Luna, National President ng ACTO na napakataas ang multa na umaabot ng libong piso sa mga Jeepney drivers na lumabag sa polisiya.

Naunang naghain ng petisyon si De Luna kasama ang ibang transport groups sa Korte Suprema na ipatigil ang NCAP na pahirap sa transport sector.

“Kasi huli dito, huli doon yung gagawin nila kawawa naman po mga operators kung ang mga drivers nila ang nagkasala, sila po ang magbabayad dahil sa NCAP ang plate number po nila huhulihin. Masakit dito kapag di mo agad mabayaran sa LGU may multa pa po ito,”dismayadong pahayag ni De Luna sa Radio Veritas.

Iginiit naman ni Ricardo Rebaño – Pangulo ng FEJODAP na dapat magkaroon muna ng pagsasaayos sa polisiya bago ipatupad.

Tinukoy ni Rebaño na hindi tama ang matagal na sistema ng pagpapadala ng Notice of Violations sa mga drivers at operators dahil kadalasan itong natatanggap ng lagpas sa takdang petsa kaya’t lumalaki ang babayarang multa dahil sa penalty fees.

“Dapat lang maitama sa polisiya at yung penalty sobrang laki, yan ang isang problema dahil kung may mahuli, hindi mairerehistro ang sasakyan na malaking kabawasan sa public transport ngayong school opening, pandemic pa ngayon, kung baga ngayon palang bumabangon ang transport,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Rebaño.

Sa Metro Manila, aabot sa 60-libo ang kasaping miyembro ng FEJODAP habang 450-libo naman ang kasapi ng ACTO sa buong Pilipinas.

Ang NCAP ay ipinatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong 2020 na ginagamit ang Closed-circuit television (CCTV) upang bantayan ang pagsunod sa batas trapiko ng lahat ng drivers.

Una naring nanawagan ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa MMDA na huwag ng idamay ang mga Public Utility Vehicles sa pagpapairal ng polisiya.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,917 total reads

 1,917 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 24,454 total reads

 24,454 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,015 total reads

 65,015 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 91,757 total reads

 91,757 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,022 total reads

 140,022 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,021 total reads

 161,021 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 23,744 total reads

 23,744 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top