400 Years of Christianity ng Palawan, ipagdiriwang ng isang taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,879 total reads

Hinamon ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya sa lalawigan na suriin ang sarili kung nakaugat ito sa pananampalatayang Kristiyano.

Ito ang mensahe ni Bishop Broderick Pabillo kasabay ng paghahanda ng bikaryato sa ikaapat na sentenaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Palawan na dinala ng mga Agustinong misyonero.

Paksa sa year-long celebration ang ‘Amos ta ren! Demdemen. IceLebra. Ipadayon!’ na layong pagnilayan at damhin ang biyaya ng kaligtasan at pasalamatan ang mga taong naghatid ng kaligtasan sa Palawan 400 taon ang nakalilipas.

Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalagang ipagdiwang ng buong kagalakan ang biyaya ng pananampalataya at ipagpatuloy ang pagpapalaganap sa mga komunidad.

“Dapat tanungin natin ang ating mga sarili kung nagbubunga ba ang pag-ibig ng Diyos sa aking buhay at sa ating lalawigan (Palawan). After 400 years,mas nagiging kristiyano ba ang ating pamumuhay at nakaugat ba sa paghahari ng Diyos ang kalakaran sa lipunan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang mga usaping panlipunan tulad ng pangangalaga sa kalikasan ng Palawan, ang pagpapahalaga sa mga mahihirap at katutubo sa lalawigan, ang pantay na pagbabahagi sa mga likas na yamang taglay nito at ang makataong pakikitungo at pagtutulungan ng mamamayan sa lugar.

Binigyang diin ng obispo na ang pagiging Kristiyano ay Katoliko na nangangahulugang ‘inclusive’ at nararapat maramdaman ng bawat nasasakupan.

“Ang kaligtasan at kaunlaran ay para sa lahat. Sama-sama tayong naglalakbay patungo sa kaharian ng Diyos. Kaya abutin natin ang mga katutubo at maliliit na tao na madalas ay nakakaligtaan. Kasama din sila sa hapag ng paghahari ng Diyos,” ani Bishop Pabillo.

Ilulunsad ang year-long celebration sa August 28, 2022 kasabay ng pagdiriwang ng kapsitahan ni San Agustin sa isang misa na pangungunahan ni Bishop Pabillo sa San Agustin Parish Cuyo Palawan kasama si Bishop Socrates Mesiona.

Ang Cuyo ang itinuring na pinakamatandang bayan sa Palawan kung saan unang inihasik ang binhi ng krisitiyanismo na sa kasalukuyan ay may 23, 000 populasyon at mayorya ay mga katoliko.

Tampok sa pagdiriwang ang pilgrimage ng Mission Cross sa buong lalawigan ng Palawan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,923 total reads

 1,923 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 24,465 total reads

 24,465 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,026 total reads

 65,026 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 91,767 total reads

 91,767 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,032 total reads

 140,032 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,031 total reads

 161,031 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top