Simbahan, umaapela ng dasal at tulong sa mga biktima ng bagyong Karen at Lawin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 417 total views

Nanawagan ng pagtulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Lawin sa Hilagang Luzon si Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez –Chairman ng Ecumenical Bishops Forum.

Hinimok ng Obispo ang mga mamamayan na makibahagi sa pananalangin para sa kalakasan at muling pagbangon ng mga naapektuhan ng magkasunod na bagyong Karen at Lawin sa Hilagang Luzon.

Bukod dito, nagpaabot rin ng pakikiisa at panalangin si Bishop Iniguez sa mga nasalanta ng bagyo at binigyang diin ang kahalagahan ng patuloy na pananampalataya sa Panginoon sa kabila ng anumang pagsubok.

“Isa na namang bagyo ang sumalanta sa isang bahagi ng ating bansa, ito’y ating ikinalulungkot ngunit alam natin na ang Panginoon ay meron ding balak na maganda na naririto at sana ito ay manggayari kaya sa lahat ng mga nasalanta, ipinapaabot namin ang aming pakikiramay at nawa yung mga hindi nasalanta ay makiisa sa inyong kalagayan sa pananalangin at sa pagdadala ng anumang maitutulong nila para sa inyo sa katayuang ito, pero nawa manalig tayong lagi sa Panginoon na sa pagpapahintulot niya ng pangyayaring ito alam nating meron ding kabutihan na susunod”pahayag ni Bishop Iniguez sa Radio Veritas.

Sa inisyal na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tinatayang aabot sa 90-libong indibidwal ang naapektuhan ng super typhoon Lawin mula sa may 118-mga barangay sa mga lalawigan ng Ilocos, Cagayan, Gitnang Luzon, Bicol at Cordillera.

Tinatayang nasa higit 3,900 mga pamilya ang nawalan ng tahanan habang nasa 18-libo naman ang pansamantalang nananatili sa mga evacuation centers.

Sa tala ng PAGASA, ang Super Typhoon Lawin na ang ika-labing-dalawang bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility mula sa karaniwang higit 20-bagyo kada taon.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ng Caritas Manila, Caritas Philippines, Quiapo church at iba pang church institutions ang tulong para sa mga naapektuhan ng magkasunod na bagyo sa Hilagang Luzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 15,376 total views

 15,376 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 33,276 total views

 33,276 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 79,842 total views

 79,842 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 68,460 total views

 68,460 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 88,813 total views

 88,813 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top