164 total views
Pinayuhan ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president at Cebu Archbishop Jose Palma si incoming President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Archbishop Palma, kinakailangang matanto ng ika-16 na Pangulo ng Pilipinas na maraming Pilipino ang umaasa sa kanya na maging tunay na lingkod bayan na isinakatuparan ang ikabubuti ng nakararami.
Nanawagan rin ito kay Duterte na seryoshin nito ang mga sinumpaang pangako upang hindi mabigo ang sambayanang naghalal sa kanya.
“Dahil nga binigyan siya ng pagkakataon ng marami it’s for him to be serious in important duty, responsibility, na alam po natin na karamihan ng mga Pilipino ay bumuto sa kanya. And he knows very well that it is not so much on the office of privilege but an opportunity for service,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Palma sa panayam ng Veritas Patrol.
Nakatutulong din ayon kay Archbishop Palma kung tutulungan ang bagong administrasyon tungo sa pagsasa – ayos ng usaping diplomasya at soberanya tungo sa kaunlarang pangkalahatan.
“…we need diplomacy; we need also to assert our own sovereignty, we need to grow as a people. Ito pong lahat alam po natin ay nangangailangan ng mga tao na gagabay, yung katulong po natin in the journey towards growth and development,” giit pa ni Archbishop Palma sa Radyo Veritas.
Naitala naman ng COMELEC o Commission on Elections na ang 2016 national and local election elections ang nakapagtaya ng makasaysayang dami ng mga bumutong botante na umabot 81 porsyento ang voters turn out ngayong taon mula sa mahigit 50 milyong rehistradong botante sa bansa.
Samantala, batay naman sa huling partial and unofficial results ng bilangan as of 6:45am ngayong araw na kumakatawan sa 95.36 percent ng Election Returns nanngunguna pa rin si Duterte sa pagka – pangulo na meron ng halos 16 na milyong boto.