291 total views
Umapela na rin ng pagkakasundo-sundo at paghihilom maging ang sektor ng pagnenegosyo sa bansa matapos ang payapang halalan nitong May 9.
Ayon sa stock analyst at economist na si Astro del Castillo, managing Director ng First Grade Finance, kailangan ngayon na mag-focus at magseryoso ang lahat para sa pagkakaisa tungo sa pag-unlad ng bansa.
Pahayag pa ni Del Castillo, nawa ay hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa magkapit- kamay ang lahat ng nagtalo-talo o nagkagalit sa nagdaang eleksyon.
Umapela rin sa publiko ang ekonomista na huwag negatibo sa bagong administrasyon sa halip, tingnan munang mabuti ang magagadang plano ng bagong administrasyon.
“Apela natin sana mag focus at magseryoso na sa call of unity na hindi lamang salita lamang sana hawak kamay na, yung nagkagalit galit maging sa sa social media, magkapit kamay na tayo, kung gaano ka intense ang participate natin sa nagdaang halalan sana ganyan din sa pag-unlad ng ekomiya, wag muna nating siraan o kontrahin kung ano ang magandang plano ng susunod na administrasyon.” Pahayag ni Del Castillo sa panayam ng Radyo Veritas.
Matatandaang umangat ng 2.6 percent ang Philippine Stock Exchange Index ng bansa, isang araw matapos ang halalan kung saan nangunguna sa presidentiable si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Bago ang halalan, bumaba ng halos limang porsiyento ang Philippine shares sa nakalipas na anim na linggo habang inaantabayanan ng mga traders ang magiging resulta ng eleksyon.