295 total views

Mga Kapanalig, ipinamalas muli ni Pope Francis ang kanyang pagiging ”inclusive” o ang kanyang pagkilala sa kakayanan ng sinumang makapag-ambag.

Nitong buwan ng Hulyo, nagtalaga siya ng tatlong babae sa komiteng magpapayo sa kanya sa pagpili ng mga bagong obispo sa iba’t ibang lugar. Dalawa sa kanila ay mga madre—isang Italyanong kasalukuyang deputy governor ng Vatican City, at isang Pranses na dating superior general ng isang kongregasyon. Ang isa naman ay layko mula sa Argentina at presidente ngayon ng World Union of Catholic Women’s Organizations. Ang hakbang na ito ng Santo Papa ay nagbibigay ng mataas at maimpluwensiyang posisyon sa mga babae sa Simbahang Katolika. Unang beses itong nangyari sa isang komiteng binubuo ng hanggang 30 lalaki na karaniwan ay mga kardinal, obispo, at pari.

Sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga babae sa mga posisyong gumagawa ng mabibigat na desisyon, unti-unti ngang binubuksan ng ating Santo Papa ang pagkakataong makaambag ang kababaihan sa mga usapin ng Simbahan. Nauna na niyang hinirang ang isang madre sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa isang opisina sa Vatican na nangunguna sa mga isyu ng hustisya at kapayapaan. Isa ring madre ang itinalagang maging punong-abala sa mga pagpupulong ng mga obispo o Synod of Bishops. Mga laykong babae naman ang naging kauna-unahang direktor ng Vatican Museums at pangalawang direktor ng Vatican Press Office.

Ipinamalas ni Pope Francis, bilang isang tunay na alagad ng Diyos, na kanyang tinutularan sa pagiging inklusibo ang ating Panginoong Hesukristo. Nakisalamuha si Hesus sa mga babae noong kapanahunan Niyang nakararanas ng diskriminasyon ang kababaihan. Narito ang tatlong halimbawa. Una, matutunghayan natin sa Juan 4:7-26 ang pakiusap at pakikipag-usap ni Hesus sa isang babaeng Samaritano, na isang dayuhang kabilang sa ibang relihiyon. Pangalawa, sa Lucas 10:38-42, dumalaw ni Hesus sa magkapatid na Martha at Maria. Pangatlo, sa Juan 20:11-18, nalaman nating naging unang saksi sa muling pagkabuhay ni Hesus si Maria Magdalena, ang babaeng pinagaling ni Hesus mula sa mga sumasanib na masasamang espiritu at tuluyang naging disipulo Niya.

Sa ating bansa, masasabi nating may mas malawak nang pagkakataon para sa mga babaeng makapag-ambag. Ayon sa isang ulat ng LinkedIn, ang pinakamalaking professional network sa internet, pang-apat ang Pilipinas sa 36 na bansa kung ang pag-uusapan ay ang pagkakaroon ng mga babaeng lider. Sa mga propesyunal na posisyong hawak ng mga babae, 40% ay bise-presidente habang 32% ang nakaupo sa pinakamataas na executive positions ng mga kompanya. Matataas ang mga numerong ito kung ikukumpara sa ibang bansa. Ngunit sinabi rin sa pag-aaral ng LinkedIn na marami pa ring mga balakid na kinakaharap ang mga babae sa kanilang trabaho kung ikukumpara sa mga lalaki. Sa sektor ng kalusugan sa Pilipinas, halimbawa, 60% ng mga manggagawa ay mga babae ngunit nasa 45% lamang ng mga leadership positions ang hinahawakan ng mga babae.

Mga Kapanalig, malayo na ang narating ng mga babae sa iba’t ibang larangan, ngunit ang mabigyan sila ng pantay na access sa mga oportunidad sa ating Simbahan ay isang usaping kailangang harapin natin bilang bayan ng Diyos kung tunay nating pinahahalagahan ang dignidad ng bawat isa. Ang lahat sa atin, anuman ang ating kasarian, ay narito upang mag-ambag sa kapakanan ng lahat, hindi para makipagkompitensya. Narito tayo upang makipagtulungan, hindi para makipag-agawan. Sa huli, sa mata ng ating Panginoon, ang bawat isa, lalaki man o babae, ay Kanyang nilikha sa layunin at hangaring maging magkatuwang ang lahat sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa ating masalimuot na mundo. Maging simula sana ang ginagawa ngayon ni Pope Francis ng tunay na pagkilala sa mahalagang papel ng mga babae sa ating Santa Iglesia.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Separation of Church and State

 100,987 total views

 100,987 total views Mga Kapanalig, ginamit na dahilan ni Senador Robin Padilla ang prinsipyo ng separation of church and state upang depensahan ang kontrobersyal na televangelist na si Apollo Quiboloy. Ito ang kanyang dahilan kung bakit pinangunahan niya ang paglalabas ng isang written manifestation bilang pagtutol sa pagpapaaresto sa nagtatag sa grupong Kingdom of Jesus Christ. 

Read More »

Nagbabadyang gun culture?

 119,060 total views

 119,060 total views Mga Kapanalig, pinapayagan nang muli ng Philippine National Police (o PNP) ang pagkakaroon ng mga sibilyan ng semi-automatic rifles. Ito ay matapos amyendahan ng PNP ang implementing rules and regulations ng Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act.  Ipinasá noong 2013 ang naturang batas na naglilimita sa pagmamay-ari ng

Read More »

Agrikultura at ekonomiya

 130,309 total views

 130,309 total views Mga Kapanalig, hindi pa man tayo umaabot sa tinatawag na peak o pinakamatinding bahagi ng nagpapatuloy na El Niño, umabot na sa 151.3 milyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot nito sa sektor ng agrikultura.  Ito ang pagtataya ng ating Department of Agriculture batay na rin sa datos na libu-libong tonelada ng palay

Read More »

Book Reading

 163,328 total views

 163,328 total views Uso pa ba ang pagbabasa ng libro ngayon, kapanalig? O mas uso pa ang magcellphone maghapon? May survey noong 2017 na nagsasabi na marami pa rin namang mga kabataan, pati mga adults sa ating bansa na nagbabasa pa rin. Ayon sa survey, kada buwan, mga mahigit walong oras ang ginugugol ng mga bata

Read More »

Katiyakan sa pagkain sa panahon ng tagtuyot

 185,696 total views

 185,696 total views Kapanalig, sa panahon ng tagtuyot, nasa likod na ng isipan ng marami nating kababayan ang pag-aalala at nasa dibdib na rin nila ang kabog ng takot. Sasapat kaya ang pagkain ng pamilya ko  ngayong panahon ng tagtuyot? Ang laki ng epekto ng tagtuyot sa bansa. Marami pa ring lugar sa ating bayan ang agrikultural

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Separation of Church and State

 100,988 total views

 100,988 total views Mga Kapanalig, ginamit na dahilan ni Senador Robin Padilla ang prinsipyo ng separation of church and state upang depensahan ang kontrobersyal na televangelist na si Apollo Quiboloy. Ito ang kanyang dahilan kung bakit pinangunahan niya ang paglalabas ng isang written manifestation bilang pagtutol sa pagpapaaresto sa nagtatag sa grupong Kingdom of Jesus Christ. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagbabadyang gun culture?

 119,061 total views

 119,061 total views Mga Kapanalig, pinapayagan nang muli ng Philippine National Police (o PNP) ang pagkakaroon ng mga sibilyan ng semi-automatic rifles. Ito ay matapos amyendahan ng PNP ang implementing rules and regulations ng Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act.  Ipinasá noong 2013 ang naturang batas na naglilimita sa pagmamay-ari ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura at ekonomiya

 130,310 total views

 130,310 total views Mga Kapanalig, hindi pa man tayo umaabot sa tinatawag na peak o pinakamatinding bahagi ng nagpapatuloy na El Niño, umabot na sa 151.3 milyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot nito sa sektor ng agrikultura.  Ito ang pagtataya ng ating Department of Agriculture batay na rin sa datos na libu-libong tonelada ng palay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Book Reading

 163,329 total views

 163,329 total views Uso pa ba ang pagbabasa ng libro ngayon, kapanalig? O mas uso pa ang magcellphone maghapon? May survey noong 2017 na nagsasabi na marami pa rin namang mga kabataan, pati mga adults sa ating bansa na nagbabasa pa rin. Ayon sa survey, kada buwan, mga mahigit walong oras ang ginugugol ng mga bata

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katiyakan sa pagkain sa panahon ng tagtuyot

 185,697 total views

 185,697 total views Kapanalig, sa panahon ng tagtuyot, nasa likod na ng isipan ng marami nating kababayan ang pag-aalala at nasa dibdib na rin nila ang kabog ng takot. Sasapat kaya ang pagkain ng pamilya ko  ngayong panahon ng tagtuyot? Ang laki ng epekto ng tagtuyot sa bansa. Marami pa ring lugar sa ating bayan ang agrikultural

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Turismo sa Pilipinas

 109,006 total views

 109,006 total views Kapanalig, summer na naman. Kakambal na ng summer ang turismo sa ating bayan. Sa ganitong panahon hindi lamang ang araw ang hitik na hitik, kundi pati ang industriya ng turismo sa ating bayan. Nito lamang January, tumaas ng mahigit 23% ang bilang ng mga turista sa ating bansa. Mahgit 574,000 tourists ang dumating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Single parents

 151,248 total views

 151,248 total views Alam mo ba kapanalig, na umaabot sa 15 million ang single parents sa ating bayan? Sa bilang na ito, 95% ay mga babae. Timely, kapanalig, na mapag-usapan natin ito, lalo na at parating na ang kapistahan ni San Jose ngayong Marso 19. At pag usapin ng pagiging ama, si San Jose ang isa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 162,365 total views

 162,365 total views Kapanalig, napapansin mo pa ba ang mga taong lansangan na nadadaanan mo araw-araw habang papunta ka sa trabaho o paaralan? Nakikita mo pa ba ang kanilang mga sitwasyon, kondisyon, pati kanilang mukha? Sa mga sidewalks o bangketa, sa tapat ng mga lumang gusali, sa eskinita, makikita natin ang marami nating kapwa Pilipino, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Internet, Social Media, at Mental Health

 184,434 total views

 184,434 total views Kapanalig, marahil ikaw ay kabilang sa maraming Pilipinong babad na babad sa Internet at social media. Ayon nga sa mga pinakahuling datos, mahigit 85% ng ating populasyon ay internet users, habang 84.45 million   naman ang social media users. Ibig sabihin, halos lahat ng nasa Internet sa atin ay social  media users din. Ang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

National Women’s Month

 226,780 total views

 226,780 total views Mga Kapanalig, Happy National Women’s Month!  Sa darating na Biyernes, March 8, ipagdiriwang ang International Women’s Day na may temang “Invest in women: Accelerate progress”. Dito naman sa atin, ang Marso ay National Women’s Month at ang tema ng pagdiriwang nito ay “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas; Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!”. Layunin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Make polluters pay

 237,845 total views

 237,845 total views Mga Kapanalig, isang taon matapos ang Mindoro oil spill, wala pa ring napananagot sa pinsalang idinulot ng trahedya sa kapaligiran at kabuhayan ng mga apektadong komunidad. Hindi pa rin nakakamit ng mga residente ang katarungan at buong kabayaran para sa nawalang hanapbuhay nila, lalo na noong ipinataw ang limang buwan na fishing ban.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para kay Jemboy

 152,020 total views

 152,020 total views Mga Kapanalig, patuloy na nanawagan ng katarungan ang pamilya ni Jemboy Baltazar, ang 17 anyos na binatang taga-Navotas na binaril ng mga pulis noong Agosto ng nakaraang taon habang naghahanda siya at ang kanyang kaibigang pumalaot para mangisda. Napagkamalan daw sila ng mga pulis na suspek sa kaso ng pagnanakaw. Noong isang linggo,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pinupulitikang ayuda

 146,364 total views

 146,364 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa kita

 157,142 total views

 157,142 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 162,536 total views

 162,536 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top