100-milyong pisong gastos sa SONA ng PBBM, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 726 total reads

Binatikos ni Father Angel Cortez, OFM ang naging gastos ng pamahalaan sa paghahanda sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Lunes ika-25 ng Hulyo, 2022.

Nagkakahalaga ng P100 milyon ang nagastos para sa pagpapaayos at pagpapaganda ng Batasang Pambansa Complex.

Sa pagninilay ni Fr. Cortez sa ginanap na Misa sa Immaculate Heart of Mary Parish o Claret Church para sa Sibuyan Red Tuesday: Walk for God’s Creation, sinabi nito na hindi makatarungan ang paglalaan ng 100 milyong pisong pondo lalo’t kinakaharap ng bansa ang iba’t ibang krisis.

Ayon sa pari, mas makakabuti kung ginamit na lamang ito bilang pantulong sa mga higit na nangangailangan.

“100 milyong [piso] na pwedeng pakainin ang maraming mga taong nagugutom. 100 milyon na pwedeng makatulong upang bigyan ng hanapbuhay ang mga taong hanggang ngayon ay wala pa ring hanapbuhay,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Cortez.

Iginiit ni Fr. Cortez na ang kahirapang nararanasan ng bansa ang lalong nagbubunsod upang pahintulutan ang pagpasok ng iba’t ibang proyektong sumisira sa kalikasan.

Halimbawa nito ang pagpasok ng kumpanyang Altai Philippines Mining Corporation sa Sibuyan Island sa Romblon na ngayo’y nagdudulot ng pangamba sa mga residente.

“Hindi po natin hahayaan na sa Sibuyan Island ay tatalunin ng iilan lang ang mamamayan na talagang higit na nangangailangan ng pagkalinga ng bawat isa,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Cortez.

Magugunita sa SONA ni Pangulong Marcos, Jr na wala itong nabanggit hinggil sa usapin ng pagmimina ngunit binigyang-diin na dapat mahigpit na sumunod sa batas ang mga kumpanyang nananamantala sa mga likas na yaman ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 31,400 total reads

 31,400 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 62,672 total reads

 62,672 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 140,622 total reads

 140,622 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 234,849 total reads

 234,849 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 294,202 total reads

 294,202 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 72,350 total reads

 72,350 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top