Simbahan sa Northern Luzon, nagsagawa ng rapid assessment sa pinsala ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 843 total reads

Patuloy ang rapid assessment ng Diocese of Bangued kaugnay sa naganap na 7.3 magnitude earthquake sa lalawigan ng Abra kaninang umaga.

Ayon kay Bangued Diocesan Social Action Director Father Jeffrey Bueno, karamihan sa apektado ng malakas na pagyanig ay ang mga gumuhong gusali kabilang na ang ilang parokya.

Isa sa mga lubhang naapektuhan ng paglindol ay ang parokya ng Santa Catalina de Alejandria sa Tayum, Abra kung saan gumuho ang bahagi ng kampanaryo nito.

“Base doon sa mga information and reports na natanggap ko, mostly affected ang mga buildings lalo na yung ilang parokya. Karamihan din sa mga taong affected ay minor injuries lang,”pahayag ni Fr. Bueno sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa huling ulat ng Abra Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, isa na ang naitalang nasawi habang nasa 44 katao naman ang nagtamo ng sugat dahil sa naganap na paglindol.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Bueno na nagkaroon ng pagpupulong ang mga social action directors ng mga diyosesis kasama si NASSA/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo hinggil sa pagtugon sa mga apektado ng paglindol lalo na sa mga diyosesis sa Northern Luzon.

Kasalukuyang nasa Caritas Philippines Academy sa Tagaytay City ang ilang social action directors upang sumailalim sa pagsasanay.

“We just had our short meeting with Bishop Bagaforo, and may mga initial instructions na binigay sa amin so we could help sa mga mostly affected,” ayon kay Fr. Bueno.

Hinimok naman ng simbahan ang bawat mananampalataya na patuloy na isama sa panalangin ang kaligtasan ng bawat isa mula sa panganib ng paglindol at iba pang pinsala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,393 total reads

 73,393 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,516 total reads

 108,516 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,816 total reads

 143,816 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,085 total reads

 370,085 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,468 total reads

 259,468 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,951 total reads

 154,951 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top