Simbahang Katolika sa Pilipinas, makikiisa sa Day of fasting and prayer for peace

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,341 total reads

Tiniyak ng Obispo ng Diyosesis ng Virac ang buong pusong pagtugon at pakikiisa ng diyosesis sa panawagan ni Pope Leo XIV na Day of Fasting and Prayer for Peace kasabay ng paggunita ngayong araw ng Feast of the Queenship of Mary-Queen of Peace.

Ayon kay Virac Bishop Louie Occiano, naaangkop ang pag-aalay ng isang araw na pag-aayuno at pananalangin para sa kapayapaan ng mundo sa gitna ng nagpapatuloy na mga sigalot at digmaang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Pagbabahagi ng Obispo, sa pamamagitan ng mga banal na misa na ipagdiriwang sa buong diyosesis ngayong araw ay kanyang hinihikayat ang mga mananampalataya na magkaisa sa isang simple ngunit malalim na pagkilos ng pakikiramay o ‘act of compassion’ para sa lahat ng mga dumaranas ng pagdurusa dahil sa epekto ng mga armadong sagupaan.

Paanyaya ni Bishop Occiano ang sama-samang pananalangin at pagsusumamo sa Panginoon upang bigyan ng kapayapaan, katarungan at kapanatagan ang lahat ng mga nagdurusa sa iba’t ibang panig ng daigdig.

“Together with the Diocese of Virac, I wholeheartedly stand in solidarity with Pope Leo’s heartfelt appeal for a global day of fasting and prayer today Friday, August 22, the solemn Feast of the Queenship of Mary. At a time when wars continue to ravage the Holy Land, Ukraine, and many other regions, this initiative offers a powerful spiritual response. Within our masses, I enjoin our faithful to unite in a simple yet profound act of compassion — imploring God to bring peace, justice, and consolation to all who suffer.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Occiano sa Radyo Veritas.

Bukod sa Diyosesis ng Virac, una na ring ibinahagi ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pakikiisa ng Arkidiyosesis ng Caceres sa panawagang ng Santo Papa na pagsasagawa ng isang ‘Araw ng Pag-aayuno at Panalangin para sa Kapayapaan’.

Tiniyak rin ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang aktibong pagtugon ng Diyosesis ng San Pablo sa Laguna sa panawagan ni Pope Leo XIV na sama-samang pananalangin at paghingi ng awa ng Panginoon sa gitna ng nagpapatuloy na sagupaan sa iba’t ibang bansa.

“I definitely support this call of the Holy Father and invite all to join this Day of Fasting and Prayer for Peace.” Mensahe ni Bishop Maralit sa Radyo Veritas.

Naglabas din ng panalangin for peace si Antipolo Bishop Ruperto Santos bilang pakikiisa sa inisyatibo ng Santo Papa upang makamit ang kapayapaan.

Kaugnay nga nito patuloy ang panawagan ni Pope Leo XIV laban sa patuloy na mga sagupaang nagaganap sa daigdig na nagdudulot lamang ng karahasan at pagdurusa sa mga mamamayan.

Ayon sa Santo Papa, walang sinuman ang nagwawagi sa digmaan sa halip ay nagdudulot lamang ito ng malawakang krisis at pagdurusa lalo’t higit sa mga inosenteng sibilyan tulad ng mga kababaihan lalo’t higit sa mga kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 45,301 total reads

 45,301 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,156 total reads

 125,156 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,603 total reads

 158,603 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,901 total reads

 193,901 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,699 total reads

 418,699 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top