Simbahang Katolika sa Pilipinas, pinagpapala sa pagkakatalaga kay Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 521 total views

Buong galak na binabati ng Diyosesis ng San Pablo, Laguna ang pagkakatalaga kay Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Ayon kay San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, dapat na ipagpasalamat sa Diyos ang magandang biyayang ito sa sambayanang Pilipino dahil sa pagkakaloob ng bagong pastol sa Arkidiyosesis ng Maynila na gagabay sa mga mananampalataya, hindi lamang ng Arkidiyosesis kundi maging ng buong Pilipinas.

Idinadalangin ni Bishop Famadico na nawa si Cardinal Advincula ay patnubayan ng Espiritu Santo upang lubos na magampanan ang tungkuling nakasaad sa kanyang Episcopal motto na “Audiam” na nangangahulugang ito’y handang makinig sa sambayanan ng Diyos upang magabayan patungo sa Kaharian ng Poong Maykapal.

“Tayo ay magpasalamat sa Diyos sa pagpapadala ng bagong pastol sa Archdiocese of Manila at sa suffragan dioceses nito kabilang na ang Diocese of San Pablo. Nawa’y gabayan siya ng Espiritu Santo upang sa kanyang pakikinig sa tinig ng bayan ng Diyos, mapamunuan niya sila patungo sa Kaharian ng Diyos,” mensahe ni Bishop Famadico sa panayam ng Radio Veritas.

Noong Hunyo 24, 2021, pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang makasaysayang pagtatalaga kay Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila, kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista at ika-450 anibersaryo ng pagkakatatag sa Lungsod ng Maynila at unang simbahan ng Maynila na ngayon ay ang Manila Cathedral.

Ang Arkidiyosesis ng Maynila ay ang Metropolitan See ng Ecclesiastical Province of Manila na kinabibilangan ng mga Diyosesis na sakop ng National Capital Region — ito ay ang mga Diocese ng Novaliches, Parañaque, Cubao, Kalookan, at Pasig; at apat naman mula sa mga lalawigan ng Cavite – Diocese of Imus; Rizal – Diocese of Antipolo; Bulacan – Diocese of Malolos; at Laguna – Diocese of San Pablo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 51,337 total views

 51,337 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 51,337 total views

 51,337 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 51,337 total views

 51,337 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 49,767 total views

 49,767 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 45,466 total views

 45,466 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top