VeritasPH

The Word, The Truth

Sina Diane, Gemma, at Lolo Narding

SHARE THE TRUTH

 152 total views

Mga Kapanalig, kilala ba ninyo sina Diane, Gemma, at Lolo Narding?

Si Diane ay isang manggagawang pinigilan ng mga traffic enforcers na sumakay sa pampublikong sasakyan sa unang araw ng pagpapatupad ng “no vaccine, no ride” policy ng pamahalaan. Maaga pa naman siyang gumising para sa isang medical exam na kailangan niyang gawin para sa kanyang papasukang trabaho. Hindi siya pinayagang sumakay dahil nakakaisang dose pa lamang siya ng bakuna kontra Covid-19. Ngunit hindi niya kasalanang hindi pa ito nakumpleto dahil ang schedule ng kanyang second dose ay sa susunod pang buwan. Maluha-luhang sinabi ni Gemma na “nakakapagod na” ang ginagawa ng pamahalaan. Isa lamang siya sa daan-daang napilitang umuwi na lang at nawalan ng isang araw—o baka ilang araw pa nga—upang maghanapbuhay.

Pinuna rin ng tinderang si Gemma ang “no vaccine, no ride” policy. Sa isang interview, galit niyang sinabing naglalakad siya nang malayo dahil pinagbabawalan ang mga katulad niyang hindi pa fully vaccinated na sumakay ng pampublikong sasakyan. Ikinagagalit niya ay ang aniya’y pagpapahirap sa mga katulad niyang ordinaryong mamamayan. Nagtitiyaga raw siyang magtinda ng balut dahil hindi niya maasahan ang ayuda ng gobyerno upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya katulad ng tubig at kuryente. Mamamatay daw ang mga tao sa gutom kung hindi sila makakapaghanapbuhay dahil sa mga patakarang naglilimita sa galaw ng mga tao.

Ang 80-anyos na si Lolo Narding naman ay inaresto dahil sa pagnanakaw umano ng mangga mula sa puno ng kanyang kapitbahay. Siya naman daw mismo ang nagtanim ng punong nakapaloob na ngayon sa bakuran ng kanilang kapitbahay, kaya ipinapitas niya ang mga bunga nito. Nasa sampung kilong mangga ang kanyang naipapitas, ngunit nagmatigas ang kanyang kapitbahay at tumanggi itong makipagkasundo sa matanda. Tangan ang warrant of arrest, hinuli ng mga pulis si Lolo Narding para sa kasong pagnanakaw na nangyari pa noong isang taon. Ngunit mga pulis na rin mismo ang nag-ambagan para sa anim na libong pisong pampiyansa niya, kaya ngayon ay pansamantala siyang malaya.

Ang mga kuwento nina Diane, Gemma, at Lolo Narding ay sumasalamin sa pagdurusang pinagdaraanan ng napakarami nating kababayan sa isang malupit na lipunan. Sa halip na maging daan ang pagpapatupad ng mga batas upang magkaroon tayo ng patas at makatarungang lipunan, nagiging instrumento pa ang mga ito upang lalong maibaon sa hirap ang mga kapatid natin sa laylayan. Nagiging pahirap sa mahihirap ang mga naiisip na patakaran ng pamahalaan lalo na ngayong pandemya. Nagiging biktima ang mahihirap ng hindi patas na pagpapatupad ng mga ito. Malayung-malayo ang nararanasan nina Diane, Gemma, at Lolo Narding sa mga hindi na kailangang maghanap ng trabaho, hindi na kailangang kumayod para sa pamilya, at hindi napananagot ng batas kahit pa kaban ng bayan pa ang kanilang nililimas. Sina Diane, Gemma, at Lolo Narding ay tatlo lamang sa mga kapatid nating napagkakaitan ng pagkakataong palaguin ang kanilang buhay at ng pagkakataong maipagtanggol ang kanilang sarili dahil wala silang kayamanan, kapangyarihan, at koneksyon.

Sa Catholic social teaching na Evangelii Gaudium, sinabi ni Pope Francis na ang kawalang katarungan ay bunga ng pagpapabaya sa kasamaang pahinain ang anumang sistemang pampulitika at panlipunan. Kaya napakahalagang tinitiyak nating ang mga patakaran at batas sa ating bayan ay tunay na nagsusulong ng kabutihan ng lahat, lalo na ng mga katulad nina Diane, Gemma, at Lolo Narding.

Mga Kapanalig, katulad ng ipinahihiwatig sa Mga Kawikaan 28:3, “ang pamahalaang sa mahihirap ay sumisiil ay tulad ng ulang sumisira sa pananim.” Hindi tayo magkakaroon ng ganitong pamahalaan kung hindi natin pahihintulutang lasunin ito ng mga walang malasakit sa maliliit at sariling kapakanan lamang ang inuuna.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 15,428 total views

 15,428 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 23,473 total views

 23,473 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 28,553 total views

 28,553 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,259 total views

 34,259 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,047 total views

 43,047 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 15,429 total views

 15,429 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 23,474 total views

 23,474 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 28,554 total views

 28,554 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,260 total views

 34,260 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,048 total views

 43,048 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,957 total views

 40,957 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,271 total views

 55,271 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,961 total views

 58,961 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,564 total views

 57,564 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,551 total views

 67,551 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,519 total views

 71,519 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,406 total views

 82,406 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,845 total views

 94,845 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,603 total views

 105,603 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,856 total views

 52,856 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top