Pagpapalawig ng limited face to face classes, suportado ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 654 total views

Sinuportahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pagpapalawig sa Pebrero ng Department of Education (DepEd) sa limited face to face classes para sa mga lugar kung saan umiiral ang Alert Levels 1 at 2.

Ayon kay Jose Allan Arellano – Executive Director ng CEAP, napapanahon na ang panunumbalik ng klase matapos ang mahigit dalawang taon nitong pagkaantala higit na sa mga lugar kung saan mababa ang kaso ng COVID-19.

“So there you know if there’s no reason why there would be more in excemptions then the students should already go back to school especially the areas that really have been declared as level 1 or level 2,” ayon sa panayam ni Arellano sa Radio Veritas.

Inaalala ng CEAP ang standing ng Pilipinas sa dulo ng mga bansang nangunguna sa larangan ng Siyensa at Agham sa sektor ng Edukasyon.

Ayon kay Arellano, sa panunumbalik din ng mga klase ay kanilang inaasahan ang pananatili ng Hybrid Learning System.

Dito ay magkakaroon parin ng Modulars at Online classes kasabay ng mga face to face classes ng sa mga paaralan habang nanatili ang banta ng COVID-19.

“it’s not going to be a regular face to face anymore na parang magiging sa malawakan yan the next 2 or 3 years magiging hybrid system yan, may ibang mapapasok, mayroong iba modules etc mayroong online presently many of our school are using online and modular,” pagbabahagi pa ni Arellano.

Sa naunang pagdaraos ng face to face classes sa higit dalawang-daang paaralan noong November 15 hanggang December 22 2021, ay itinuring itong matagumpay na Hakbang ng Deped.

Aprubado narin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng hakbang sa mga lugar kung saan umiiral at Alert Levels 1 at 2.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlos Nograles, magiging magkatuwang ang DepEd at Department of Health sa mga assesments kasama ang mga Lokal na pamahalaan bago idaos ang mga klase.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,714 total views

 28,714 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,328 total views

 103,328 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,407 total views

 183,407 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,546 total views

 226,546 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 225,909 total views

 225,909 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top