CBCP, nanawagan na damayan ang mga dumaranas ng mental health problem

SHARE THE TRUTH

 241 total views

Hinihikayat ng healthcare ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat isa na bigyan ng sapat na atensyon at oras ang mga taong nakakaranas ng mental health problems.

Ito ang panawagan ni Camillian priest Father Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care sa patuloy na pagdami ng mga nakakaranas ng depresyon at iba pang suliraning pangkaisipan dahil COVID-19 pandemic.

“Kasi ang mga taong nakakaranas ng depression at anxiety kapag tatanungin mo ng ‘kumusta ka na?’, usually, ang sagot nila ‘okay lang’. Pero deep within, ang paa nila ay hindi nakalapat sa lupa,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Cancino na ilan sa mga maaaring gawin upang makatulong sa mga nakakaranas ng depresyon ay ang pagbibigay ng oras upang magmasid at makinig.

Ipinaliwanag ng pari na ito’y para mas madaling matulungan at madamayan ang kapwa.

“Tingnan natin ang mga behaviors pati ‘yung feelings nila. Mag-reachout tayo to assure them na nandun tayo at sasamahan natin sila. Pakinggan din natin sila kasi ang mental health is about listening “ saad ng pari.

Batay sa datos ng Department of Health – National Mental Health Program, aabot sa mahigit isang milyong indibidwal sa bansa ang nakakaranas ng depressive disorder.

Naitala din dito na mahigit sa 500-libo ang mayroong bipolar disorder at 200-libo naman ang nagsasabing mayroong schizophrenia.

Ayon naman sa National Center for Mental Health, umabot sa 1,375 suicide-related calls ang natanggap ng institusyon noong 2021.

Habang ayon naman sa Philippine Statistics Authority na noong 2020, hindi bababa sa higit 4,000 katao sa bansa ang namatay bunsod ng pagpapatiwakal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 23,915 total views

 23,915 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 34,920 total views

 34,920 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 42,725 total views

 42,725 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,367 total views

 59,367 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,163 total views

 75,163 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top