Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga pinuno

SHARE THE TRUTH

 757 total views

Mga Kapanalig, nitong nagdaang linggo ay nailuklok bilang ika-46 na pangulo ng Estados Unidos si Joseph Biden matapos ang isang magulong yugto sa kasaysayan ng demokrasya sa bansang iyon. Pangalawang pagkakataon pa lamang ito na naghalal ang mga mamamayan ng Amerika ng isang Katoliko bilang pangulo; ang una ay si John F. Kennedy.



Marami ang nagsasabing ang kanyang pananampalataya ay nasa sentro ng pagkatao ni Joe Biden, at dahil dito, magiging napakalaking impluwensiya nito sa kanyang pamumuno sa makapangyarihang bansang Amerika. Sa katunayan, bago siya nanumpa bilang pangulo, dumalo siya sa isang church service sa isang Katolikong simbahang malapit sa US Capitol. Alam ng maraming sumubok at lalo pang nagpatatag ng kanyang pananampalataya ang personal na mga trahedyang dinaanan niya sa buhay: ang pagkamatay ng kanyang unang asawa at anak na babae sa isang aksidente, at ang pagkamatay ng kanyang anak na lalaki.

Napakalaki ng pagkakaiba ng mga patakarang isusulong ni Biden, bilang isang Democrat, sa mga patakaran ng sinundan niyang pangulo na si Donald Trump, na isang Republican. Subalit, higit sa pagkakaiba ng ideolohiya o patakaran, ang pagkatao niya ang pinakamahalagang dala-dala niya sa kanyang panunungkulan at paglilingkod sa kanyang mga kababayan at sa buong mundo. Tunay ngang ang pagkatao ng isang lingkod-bayan, lalo pa kung ito ay tunay na nakaugat sa pananampalataya, ang magbibigay-dahilan upang ibigay ng mga tao ang kanilang tiwala sa kanya.

Sa isang panayam niya noong siya ay bise-presidente pa lamang ay pinag-usapan niya ang kanyang pagiging isang Katoliko at ang impluwensiya ng mga turo ng Simbahang Katolika sa kanya. Sinabi niyang ang pinakasandigang pagpapahalagang nakuha niya mula sa mga panlipunang turo ng Simbahang Katolika ay ang dignidad ng tao at pagkiling sa mahihirap,  at ito ang batayan ng kanyang mga kilos at desisyon sa personal na buhay man o bilang pulitiko.

Kaya naman, matapos siyang manumpa bilang pangulo, ilan sa mga unang executive orders na kanyang pinirmahan ay may kinalaman sa pangangalaga ng dignidad ng tao. Isa rito ay ang pagbalik ng Amerika ng suporta nito sa World Health Organization upang makiisa sa global vaccination program na magsisigurong makakukuha ng bakuna ang mga mahihirap na bansa. Ang ikalawa ay ang pagsali muli ng Amerika sa Paris Agreement, ang pandaigdigang kasunduan kung saan nangangako ang mga malalaking bansang babawasan ang kanilang carbon emissions upang mapigilan ang pagtindi ng mga epekto ng climate change. Ang ikatlo ay ang pagsugpo sa “systemic racism” at pagtanggal sa mga hadlang sa pagkakapantay-pantay ng oportunidad na makatanggap ng serbisyong pampubliko.

Napakagandang mamalas na ang mga turo ng ating Simbahan ukol sa pagkakapatiran—na makikita sa pagkalinga sa mahihirap, pangangalaga sa kalikasan upang protektahan ang mahihinang mga komunidad, at ang pagsisigurong ang bakuna laban sa COVID-19 ay makararating sa  mga mahihirap na bansa—ay nailalapat sa mga kongkretong patakaran at kautusan ng isang gobyernong pinamumunuan ng isang taong pinahahalagahan ang dignidad ng tao. Kitang kita kung paanong, gaya ng sinasaad sa encyclical na Fratelli Tutti, ang pagkakapatiran, dahil ito ay nakaugat sa dignidad ng tao, ay magbubunga ng higit na mabuting uri ng pulitika.

Mga Kapanalig, sapagkat napakahalaga ng pulitika sa buhay panlipunan, ayon pa rin sa Fratelli Tutti, napakahalaga ng kung ano ang nasa puso ng mga namumuno. Maging ang Diyos ay sa puso tumitingin sa pagpili ng pinuno ng kanyang bayan. Wika nga niya kay Salomon sa unang aklat ng mga Cronica 28:9: “At ikaw naman, Solomon, anak ko, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at paglingkuran mo siya nang buong puso at pag-iisip, sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang ating damdamin at nauunawaan ang ating binabalak at iniisip.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 8,569 total views

 8,569 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 26,903 total views

 26,903 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 44,678 total views

 44,678 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 120,618 total views

 120,618 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 144,367 total views

 144,367 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Libreng gamot para sa mental health

 8,571 total views

 8,571 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 26,905 total views

 26,905 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 44,680 total views

 44,680 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 120,620 total views

 120,620 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 144,369 total views

 144,369 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 127,011 total views

 127,011 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 126,719 total views

 126,719 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 150,560 total views

 150,560 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 200,656 total views

 200,656 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 212,946 total views

 212,946 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »
Scroll to Top