Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

World Day of Social Communication: Hanapin, ibahagi ang katotohanan-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

 762 total views

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na patuloy ihayag ang katotohanan sa lipunan.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Colegio Filipino dapat isabuhay ng mananampalataya ang nasusulat sa ebangelyo ni San Marcos kabanata 16 talata 15 na humayo sa sanlibutan at ipalaganap ang Mabuting Balita sa sangnilikha.

“Always be reminded that we must always speak and say what is true, what is right and what is moral,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas. Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa pagdiriwang ng World Day of Social Communication at paggunita sa kapistahan ni St. Francis de Sales ang patron ng mga mamamahayag.

Iginiit ni Bishop Santos na tanging katotohanan ang mabisang panlaban sa umusbong na kultura ng ‘fake news’ lalu na sa social media na mas higit na malawak ang naabot. “With proliferation of fake news and emergence of trolls, let us resort to truth, search for truth and make it prevail,” ani ng obispo.

Sa pag-aaral ng Statista naitala ang Pilipinas na isa sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming gumagamit ng social media sa 67-porsyento habang karaniwang apat na oras kada araw naman ang iginugugol sa para dito.

Umaasa si Bishop Santos na magamit sa mabuting pamamaraan ang social media na makatutulong maipahayag ang mga turo ng Panginoon. “Let us pray that all of us will be responsible, conscientious and sincere communicators to one another,” giit ni Bishop Santos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 46,082 total views

 46,082 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 78,077 total views

 78,077 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 122,869 total views

 122,869 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 146,052 total views

 146,052 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,451 total views

 161,451 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top