Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sinong dehado sa pag-aangkat ng pagkain?

SHARE THE TRUTH

 1,213 total views

Mga Kapanalig, inihayag ni Department of Agriculture Secretary William Dar na kanyang pinahintulutan ang pag-angkat ng Pilipinas ng 60,000 metric tons na isda katulad ng galunggong at alumahan. Kailangan daw itong gawin upang punan ang inaasahang kakulangan sa lokal suplay sa unang tatlong buwan ng kasalukyang taon. Ayon sa kalihim, aabot sa halos apat na bilyong piso ang pinsalang naiwan sa sektor ng pangisdaan ng Bagyong Odette na nanalasa bago matapos ang 2021, at tiyak na maapektuhan nito ang suplay ng isda.

Noong nakaraang taon, umigting ang pag-aangkat natin ng bigas, karneng baboy, at iba pang produktong pang-agrikultura. Dahil sa pagkalat ng African swine fever (o ASF) sa Pilipinas simula noong 2019 na nagdulot ng kakulangan sa suplay ng karneng baboy, nag-angkat ang gobyerno ng 167,000 na tonelada noong 2020. Kasabay ng pagluluwag sa mga patakaran sa pag-angkat katulad ng pagtataas ng dami ng maaaring iangkat o ang tinatawag na minimum access volume, ibinaba rin ang taripa sa mga karneng galing sa ibang bansa; mula 30%, ibinaba ito sa hanggang 10%. Sa suplay naman ng bigas, matagal nang nag-aangkat ang Pilipinas at nahikayat pa lalo ito nang naipasa noong Pebrero 2019 ang Rice Tariffication Law. Sa taong 2021, ibinaba pa ng gobyerno ang taripa sa imported ng bigas mula 40% hanggang 35% sa layuning madagdagan ang suplay at mapababa o mapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas.

Bakit nga ba kailangan natin laging mag-angkat ng mga pangunahing produktong pang-agrikultural samantalang ang Pilipinas ay itinuturing na isang agrikultural na bansa sa dami ng ating yamang-lupa at yamang-dagat? Bukod sa pagtitiyak ng sapat na suplay, madalas ding idahilan ng mga opisyal ng gobyernong ang layunin ng pag-aangkat ay upang maibaba ang presyo ng mga bilihin. Ngunit ganoon nga ba ang nangyayari? Nakinabang ba talaga ang mga mamimili?

Sa totoo lang, ang mas nalulugi at kawawa sa pagdepende natin sa pag-aangkat ay ang mahihirap, lalo na ang mga magsasaka at mangingisdang pangunahing producers ng ating pagkain. Dahil sa dumarami ang suplay, hindi sila makabenta sa magandang presyo. Dehado pa sila dahil sila ay mga mamimili o consumers din. Kapag nagkukulang ang mga magsasaka at mangingisda sa kanilang pang-araw-araw na pagkain, wala silang magawa kundi ang bumili ng bigas o isda sa halagang mas mataas sa pagkakabenta nila ng kanilang ani at huli. Ang mas nakikinabang sa pag-import ay ang negosyanteng nakakapag-angkat ng mga produkto sa murang halaga dahil na rin sa mga pinababang taripa. Nagmamay-ari din sila ng mga pasilidad kung saan pansamantalang iniiimbak ang mga produktong kalaunan ay ibebenta nila nang mas mahal.

Sa kalendaryo ng Simbahang Katoliko ngayon, nasa panahon tayo kung saan ang mga pagbasa ay tungkol sa tinatawag na public ministry ni Hesus. Matutunghayan natin sa Lucas 4:18 na pormal Niyang sinimulan ang kanyang misyon nang pumunta Siya sa sinagoga kung saan kanyang ipinahayag: “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang Niya Ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo Niya Ako upang ipahayag sa mga bihag na sila ay lalaya, at sa mga bulag na sila ay makakakita. Isinugo Ako upang palayain ang mga inaapi.” Maliwanag sa pahayag na ito ni Hesus ang pagkiling ng ating Panginoon sa mga nasa laylayan ng lipunan, bagay na binibigyang-diin ng pag-ibig sa pagkiling sa mahihirap, isang prinsipyo ng Catholic social teaching.

Mga Kapanalig, ang kapakanan ng mahihirap din sana ang isinasaalang-alang ng ating mga lider sa paggawa nila ng kanilang mga desisyon, katulad ng pag-aangkat ng pagkain. Sa pagtukoy nila ng iba’t ibang solusyon sa kakulangan natin sa pagkain, pinag-aaralan din dapat ang magiging epekto ng mga ito, lalo na sa mga maliliit sa ating lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,688 total views

 24,688 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,169 total views

 32,169 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 45,309 total views

 45,309 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 51,282 total views

 51,282 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 57,035 total views

 57,035 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,689 total views

 24,689 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,170 total views

 32,170 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 45,310 total views

 45,310 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 51,283 total views

 51,283 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 57,036 total views

 57,036 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,873 total views

 41,873 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,957 total views

 42,957 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,338 total views

 38,338 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,342 total views

 50,342 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,384 total views

 58,384 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,941 total views

 49,941 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,366 total views

 48,366 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,152 total views

 50,152 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,077 total views

 47,077 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,391 total views

 61,391 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top