VeritasPH

The Word, The Truth

Sinong magtatanggol sa mga manananggol?

SHARE THE TRUTH

 291 total views

Mga Kapanalig, sinong magtatanggol sa mga manananggol kung sila na ang biktima ng paglabag sa karapatang pantao?

Ito ang tanong ng grupong National Union of People’s Lawyers o NUPL matapos ang pagpaslang sa kanilang founding member na si Atty. Benjamin “Ben” Ramos. Kilala si Atty. Ramos bilang human rights lawyer na tumutulong sa mga magsasaka, environmentalists, at mga aktibista. Takbuhan siya ng mga maralitang kliyente kaya tinagurian siyang “go-to pro-bono” na abogado.

Maraming tinitingnang anggulo sa pagpaslang kay Atty. Ramos. Nariyan ang posibilidad na may kaugnayan ang pagpatay sa kanya sa kontrobersiyal na kaso ng “Mabinay 6” o ang anim na kabataang aktibistang dinakip noong Marso sa Mabinay, Negros Occidental, matapos nilang pagbabarilin diumano ang ilang sundalo.

Tinitingnan din kung konektado ang krimen sa pagkakasama ni Atty. Ramos sa poster na inilabas noong Abril ng lokal na pulisya sa Negros Occidental. Nakalagay sa poster ang mga larawan at pangalan ng mga sinasabing miyembro ng armadong kilusan, bagay na inalmahan noon ng mga militanteng grupo dahil nagsilbi raw iyong hit list o listahan ng mga itutumbang kalaban ng pamahalaan.

Posible ring nag-ugat ang pagpaslang kay Atty. Ramos sa pagtulong niya sa mga biktima ng tinaguriang Sagay massacre. Sa massacre na iyon, siyam na manggagawa sa isang tubuhan sa Sagay, Negros Occidental ang pinagbabaril ng mga hindi pa rin nakikilalang suspek. Kilaláng malapit sa mga magsasaka si Atty. Ramos, at isa siya sa mga nagtatag ng Paghiliusa Development Group, isang samahan ng mga magsasaka at sakada sa Negros Occidental.

Pang-tatlumpu’t apat na si Atty. Ramos sa listahan ng mga pinaslang mula sa legal na propesyon simula nang mag-umpisa ang administrasyong Duterte. Pang-dalawampu’t apat na siya sa mga abogadong pinatay. Karagdagan siya sa hindi na halos mabilang na biktima ng pagpatay sa ilalim ng administrasyong Duterte, at ang pinakamarami nga sa kanila ay ang mga napapatay bunsod ng “war on drugs” ng pamahalaan.

Tumatangis ang langit sa nagpapatuloy na kultura ng karahasan sa ating bayan at sa dumaraming bilang ng mga kaso ng patayang yumuyurak sa dignidad at karapatang mabuhay ng mga biktima. Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na magiging ganap na makatarungan lamang ang isang lipunan kung iginagalang ng mga kasapi nito ang dignidad ng tao. Nagpapanggap lamang na makatarungan ang isang lipunang hinahayaang mamayani ang karahasan at pinapalakpakan ang pagdanak ng dugo.

Ayon kay Pope Leo XIII sa Rerum Novarum, “…no man may with impunity violate that human dignity which God himself treats with great reverence.” Dapat papanagutin ang sinumang lumalabag sa dignidad ng kanyang kapwa, sa dignidad na ikinararangal mismo ng Diyos. Kaya’t bilang mga Kristiyano, tungkulin nating manindigan para sa dignidad ng tao at manindigan laban sa walang saysay na pagpatay sa ating paligid.

Ang nakalulungkot, maging ang mga taong katulad ni Atty. Ramos na bagama’t hindi perpekto ay naging tapat sa tungkuling ipagtanggol ang dignidad at karapatan lalo na ng mga maliliit sa lipunan. Marahil para sa ilan, karagdagan lamang siya sa napakarami nang pinapatay sa ating bansa. Ngunit para sa mga magsasaka, environmentalists, at mga aktibistang kanyang tinulungan at para sa mga kasamahan niya sa larangan ng pagtatanggol sa karapatang pantao, isa siyang malaking kawalan.

Mga Kapanalig, huwag nating hayaang magpatuloy ang pagdanak ng dugo sa ating bayan. Totoong malalakas at matataas na tao ang nasa likod ng mga pagpatay, ngunit hindi tayo dapat tumiklop sa takot. Nawa’y magsilbing inspirasyon sa atin ang katapangan ni Atty. Ramos at ng iba pang abogado na pinaslang dala ng kanilang propesyon, ng kanilang misyong manindigan para sa dignidad ng tao. Sa mga panahong sila ang nangangailangan ng mga manananggol, nawa’y maging tagapagtanggol din nila tayo.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 5,831 total views

 5,831 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,367 total views

 13,367 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,353 total views

 29,353 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,398 total views

 37,398 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,478 total views

 42,478 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 5,832 total views

 5,832 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,368 total views

 13,368 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,354 total views

 29,354 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,399 total views

 37,399 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 42,479 total views

 42,479 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,334 total views

 43,334 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,120 total views

 45,120 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,045 total views

 42,045 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,359 total views

 56,359 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,049 total views

 60,049 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,652 total views

 58,652 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,639 total views

 68,639 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,607 total views

 72,607 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,494 total views

 83,494 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,933 total views

 95,933 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top