Sa pagtatalaga ng Pangulo ng mga dating militar Chain-of-command mindset, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 335 total views

Nasasaad sa panlipunang katuruan ng Simbahan Katolika na ang isang mabuting lider ay naglilingkod at nagpapakumbaba sa kanyang mga nasasakupan ng walang halong paghahangad ng para sa kanyang sarili.

Nagpahayag naman ng pangamba si Fr. Atillano “Nonong” Fajardo, Chairman ng Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry kaugnay sa kapansin-pansin aniyang militarisasyon sa pamahalaan.

Ayon sa Pari, bagamat sinasabi ng mga itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga dating militar at kasapi sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sila ay naglilingkod bilang mga sibilyan ay hindi naman maiaalis sa mga ito ang kanilang pananaw, pagdedesisyon at pagtingin sa mga usapin mula sa kanilang karanasan bilang mga kawal ng bansa.

Giit ni Fr. Fajardo, ang pagtatalaga ng Pangulo ng mga dating militar ay maituturing na dahil lamang sa kagustuhan nitong agad na sundin ng mga opisyal ng pamahalaan ang lahat ng kanyang tuwiran tulad ng mga sundalo na tiyak ang pagsunod sa kanilang mga mas matataas na opisyal.

“Yan yung tinatawag nating ‘militarization’ kapag sinabi nating militarization ano yan command lang yan ng command yung nasa ibabaw at yan ang gusto ni Duterte at galing mismo sa bibig niya ‘hindi na dapat nagtatanong kailangan kapag sinabi ko gagawin kaagad’ eh hindi na nga yan democracy so nakakatakot yung militarization ngayon ng ating ano kasi nga supposedly sinasabi nila ordinary citizen na sila pero hindi yung military mindset nila nandoon pa din…” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Fajardo sa panayam sa Radyo Veritas.

Nauna ng kinondina ng Pari ang patuloy na pagtatalaga ng Pangulo ng mga dating militar sa mga pangunahing posisyon sa pamahalaan sa kabila ng kakulangan ng mga ito sa sapat na kakayahan upang pangasiwaan ang mga ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga dating militar na nailuklok sa posisyon sina Nicanor Faeldon sa Bureau of Corrections; Isidro Lapeña sa TESDA; Rey Guererro sa Bureau of Customs at Rolando Bautista na nakatakdang italaga bilang kalihim ng Social Welfare and Development.

Bukod dito, paliwanag pa ni Fr. Fajardo dahil sa ginagawang paglilipat lamang sa mga opisyal na may kaugnayan sa mga anomalya at katiwalian sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan ay nawawala ang accountability o pananagutan ng mga ito sa taumbayan sa halip ay nagkakaroon lamang ng utang na loob sa Pangulo dahil sa mistulang pagpapatawad o pagpapawalang sala nito sa kanilang mga kaso.

Partikular na tinukoy ng Pari ang ginawang paglilipat lamang sa ibang ahensya ng administrasyong Duterte kay Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kasunod ng patuloy na usapin ng kontrobersyal na 11-bilyong pisong halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 32,265 total views

 32,265 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 106,879 total views

 106,879 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 186,958 total views

 186,958 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 230,097 total views

 230,097 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 229,246 total views

 229,246 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top