Social Action Centers ng Simbahang Katolika, nakahanda sa pananalasa ng bagyong Tisoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411 total reads

Nakahanda ang iba’t-ibang social action arm ng Simbahang Katolika sa pananalasa ng bagyong Tisoy na inaasahang maglalandfall sa Bicol region ngayong gabi o bukas ng umaga.

Ayon kay Legazpi, Albay Social Action Director Fr. Rex Paul Arjona, kasalukuyan ng nakataas ang Tisoy emergency operation sa kanilang lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

“We were on Typhoon Tisoy Emergency Ops mode na po,” ayon kay Fr. Arjona.

Sa Libmanan, nagsisimula na ang pag-ulan ganundin ang paglikas ng ilang residente upang hindi na abutan pa ng malalakas na hangin at pag-ulan.

sa ulat ni Fr. Nong Castañeda ng Libmanan, higit na sa 800 pamilya o 2,000 indibidwal ang nagsilikas at kasalukuyang nasa iba’t-ibang evacuation centers.

Nagsasagawa na ng pre-emptive evacuation ang Social Action Center ng Diocese ng Virac, bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng bagyong tisoy.

Ayon sa Social Action Center ng Virac, may 1,991 pamilya o katumbas ng limang libong indibidwal ang lumikas na mula sa pitong munisipalidad.

Karamihan sa mga lumikas ay nakatira mula sa baybayin, landslide at flood prone areas.

“Most evacuees are coming from the coastal super hazard and landslide flooding areas,” ayon sa ulat ng SAC Virac sa Radio Veritas.

Habang sa Banton island sa Romblon ay nararamdaman na ang malalakas na ulan at hangin.

Ayon kay Fr. Ric Magro, ilang mga kapilya na ang nagkakanlong ng mga nagsilikas na residente.

Nanawagan na rin si Fr. Magro ng karagdagang relief goods para sa mga nagsilikas lalu’t hindi sasapat ang nakahandang relief goods na para sa 300 pamilya.

“We are requesting Relief sana sa Caritas Manila and Satt Phone load sa NASSA dahil hindi gumagana ang sattphone ko. May naka-preposition kami na relief dito sa Romblon, Romblon pero good for 300 Families pa lamang based on my monitoring sa magiging epekto ng bagyo we can have a relief operations by Wednesday,” ayon kay Fr. Magro.

Unang naglabas ng oration imperata ang Archdiocese ng Caceres at Diocese ng Legazpi para sa kaligtasan ng mamamayan mula sa bagyo.

Ang bagyong Kammuri na may local name na Tisoy ay inaasahang mananalasa sa bahagi ng Southern at Central luzon kabilang na ang Metro Manila.

Base sa paggalaw ng bagyo, tinutumbok nito ang Bicol region na una na ring sinalanta ng bagyong Durian noong 2006 at Rammasun noong 2014 ng nagdulot ng malaking pinsala sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,107 total reads

 33,107 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,147 total reads

 69,147 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,417 total reads

 295,417 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 188,884 total reads

 188,884 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,164 total reads

 281,164 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 6,073 total reads

 6,073 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top